BMW26

883 43 15

[BMW26]

Keene’s POV

Tinanggal ko ang unan sa pagitan namin ni Lia tapos lumapit ng kunti sa kanya. Nangingiti ako sa sarili ko kasi kasasabi lang ni Lia na wag akong lalapit sa kanya.

Medyo pinatalbog ko pa ang kama para subukan kung gising pa siya.

Ayos, hindi nag-react, tulog na siya.

Inayos ko ang ulo niya sa braso ko, ang gulo niya matulog, wala ding silbi yung unan niya kasi bumababa siya.

Pagkahiga ko nung ulo niya sa braso ko ay umingit siya at mas inayos pa ang sarili niya.

“Keene...”

Nanigas ako.

Tinawag ba niya ang pangalan ko?

“Keene...” ulit pa niya.

Nananaginip siya. “Pinapanaginipan mo pala ako ah,” mahinang sabi ko sabay pisil ng ilong niya. May lihim palang pagnanasa itong si Lia sa akin. Hmm...

Hinintay kong sabihin uli niya ang pangalan ko.

“Arc... Devon...”

“Psh. Hanggang sa panaginip ba naman may karibal pa rin ako?”

Kumuha na lang ako ng buwelo para matulog kesa madismaya lang sa mga sinasabi ni Lia sa panaginip niya.

Maya-maya lang ay hinila na ako ng antok.

“Ahemmm!”

Naramdaman kong may gumalaw sa tabi ko tapos lalo pang nagsumiksik sa gilid ko.

“Ouch! Lia!” nagsumiksik nga, sinapak naman ako!

Naramdaman kong pinisil niya ang braso ko tapos huminga siya ng malalim.

At unti-unti siyang tumingala.

“Kyaah!”

Doon ako agad nahimasmasan. “Lia! Ako na nga tong sinapak mo ng pagka-aga-aga, sisigawan mo pa ako. Psh!”

Bumangon siya at nagkanda-sabit-sabit pa ang paa niya sa kumot kaya napaupo siya sa sahig.

“Eh--- bakit kasi lumapit ka!”

“Sheez, ikaw kaya tong yumakap sa akin kagabi.” Alangan namang sabihin kong ako ang kusang naglapit sa kanya sa akin? Sh*t. Ang sakit ng panga ko.

“Di ko yun g-gagawin noh!”

“Yeah, nang gising pero kapag tulog, kunti na lang at gagahasain mo na ako.”

“Kyaah! Hindi ah! Ang sakit na oh!”

“Tingin nga--- Lia...” pinalo niya yung kamay ko.

“Mas may tiwala pa ako keh Devon kesa sayo, sa kanya na lang ako sasama, lagi mo kong pinapahamak!”

 “Eh di kay Devon ka!” padabog na pumasok ako sa banyo.

“Oh, bakit nandito ka pa? Akala ko ba kay Devon ka?” asik ko pa rin paglabas ko ng banyo.

“May mens ka nuh?” nakangisi siya sa akin.

“Mens?” di ba pambabae lang yun?

“Dalaw. Menstruation. Di mo alam yun?”

“How would I know! Lalake ako, Lia!”

“Shet. Pakihinaan naman ang volume, sakit sa tenga eh. Ang sungit sungit mo, ang aga aga pa eh. Ok? Peace na tayo... bakit ba ayaw mong marinig pangalan ni Devon?” tinapunan ko siya ng masamang tingin, “oh siya, hindi na po. Good girl na po si Lia.”

“Maligo ka na, iiwan kita mamaya.”

“Ha? Sama ako.”

“It’s a meeting, Lia, mag-ayos ka na lang dito sa kwarto mamaya.”

Isasama ko naman sana siya kaso naalala kong nandun pala si Devon, baka imbes na makinig ako sa meeting ay masapak ko lang ang lalakeng iyon.

“Nginingisi-ngisi mo na naman diyan?”

“Wala...” halatang pinigil niya ang pagngiti, “Keene.”

“Yes?” tumaas ang isang kilay ko sa kanya.

“Wala ka bang balak mag-asawa?”

I looked at her, her eyes were sparkling.

“Bakit?” di ko alam kung ngumisi ba ako o ngumiti, “gusto mo na ba?”

Nakita ko ang unti-unting paglaki ng mga mata niya.

Sumagot lang siya ng oo, tatawagan ko an agad ang mga magulang ko. And for sure, magpa-pa-party ang mga iyon sa Barcelona at agad babalik dito sa Pilipinas.

“A-ano?!”

“You’re asking me if I have plans of settling down, now I’m asking you if you’re ready,” nagkibit-balikat ako.

“Aaaah!” at sinubsob niya ang mukha sa unan na nahagilap niya.

Anong masama sa tinanong ko?

***

Author: Di niyo mamamalayan, matatapos na itong kwento. Oks?

Beyond my WonderlandWhere stories live. Discover now