BMW11

1.1K 52 10

[BMW11]

Lia’s POV

Aakyat na ako sa 9th floor so help me, oh, God!

Umabot na yata hanggang sa sentido ko ang tibok ng puso ko. Paano na lang kapag napanood ni Keene kanina yung pinagsasabi ko sa salamin sa hallway? Eh kung anu-ano pa ang ginawa ko noon sa CR! Waah! Kaya naman pala di nag-si-CR ang damuhong yun sa loob ng office kasi wala talagang may gustong gumamit nun... yung tipong papanoorin ka nila sa private moments mo? Oh mi gahddd!

-ting!-

“Sows, heto na to!” lumabas ako ng elevator at taas-noong naglakad.

Kumatok ako sa Glass door kahit na labag man yun sa kalooban ko, masakit kaya sa kamay ang kumatok sa pinto kahit di naman dinig sa loob.

Bumukas ang pinto, “hi, Lia!”

“Hi, Devon!” (^_^)V Swerte pa rin naman pala.

“Alis na ako, ha?” bumulong siya sa akin, “this afternoon, susunduin na talaga kita, wag mo ng sasabihin kay Keene, okay?”

“Ahihi, ou ba. Hihintayin kita.”

Waah! Kinikilig na talaga ako! May stars pa ang mga mata ko habang sinasara ang pinto.

“The papers,” sabi ni Keene.

Wala sa sariling iniabot ko yun sa kanya tapos ay naglakad ng nagde-daydreaming.

“Lia, sa tingin mo ba, ako lang ang magbabasa nito?”

“Opo, sir...” haaay, paano kaya mamaya? Matutuloy na rin ang napurnadang ‘date’ namin ni Devon. Kumpleto na ako, kung ganun! Arc, Devon, Keene!---K-Keene?!

Feelingera ka, Lia ha!

“Lia, ‘tayo’ ang magbabasa nito.”

“Di po ba pwedeng kayo na lang, sir? Kaya niyo na yan! Kayo pa!”

“Lia...” (-_-)

“Magbabasa nga ako, sir, kayo kasi eh. Sabi ng babasahin nating dalawa. Oh, ano ba yan, sir?” lumapit ako sa kanya, pumwesto ako sa likuran niya tapos tinignan ang envelope na hawak niya. “Wow, sir! Invitation? Ngayon lang ako nakakkita ng ganyang kabonggang invitation! Akin nga...” sabay hablot sa kanya ng invitation.

Nalukot ang mukha ko ng biglang kunin niya sa akin pabalik yung papel.

“Oy, venue, bongga ang venue!” sabi ko na lang habang pinipilit na inaaninag yung nasa invitation, “To Keene Endrew Narcisso, wapak na wapak talaga ang pangalan niyo, sir!”

“Lia, ano ba?”

Bigla akong napatigil sa ginagawa ko, kanina ko pa pala siya hinahampas sa balikat, nahiya naman ako dun. Mwehehe. Ang taray pa naman niya!

Nagbalik ako sa upuan ko.

Nagsimula ulit akong magbasa ng mga modules doon, baka biglang amgbigay si Keene ng “surprise quiz,” wala pa akong maisagot at makakuha ako ng grade na palakol.

“We’ll be attending a 5-day convention cum seminar at *private blah blah blah*,” biglang sabi ni Keene.

Kausap niya?

“Be prepared.”

Oh my, nagsasalita siya mag-isa!

“Lia, are you listening to me?”

Ahy, ako pala!

“A-ako po? Sasama po ako?” tama ba ang narinig ko? Isasama niya ako?

“Hindi ka nga nakikinig.” (-_-)

“Sarreh naman! Kala ko kayo lang ang invited?”

“You’re my secretary so you should come with me!”

“Relax! Wag kang hysterical, puso mo,” natatawa ako sa reaksyon niya. Bakit ba kasi ang tanga-tanga ko pagdating sa kanya?! “Totoo po? Kelan?”

At nagsimula siyang magbigay sa akin ng schedule kung kelan yun.

Astigin, ilang araw pa lang akong nagtatrabaho pero may lakwatsa na kaagad? Whew!

***

Author: Konti pa lang po, naubos na yung stock kong pang-UPDATE, wahaha. Hay naku, eto na pinakamahirap na part, WALA NA AKONG MAISIP!

+++

Beyond my WonderlandWhere stories live. Discover now