BMW22

926 46 13

[BMW22]

Lia’s POV

“Kung anu-ano sinasabi mo, maligo na nga tayo!” baka kung saan pa mapunta ang usapang yun iih! Tumayo na ako.

“Why do girls don’t believe us guys when we got serious?” tumayo na rin siya. Nag-shrug shoulder pa siya sa akin.

Medyo malayo ako sa kanya.

“Then why do guys can easily say ‘I love you’ even if they don’t?”

“I’m a guy, but I mean it when I say ‘I love you.’ I love you.”

“The guy’s proposing?”

“I guess so!”

“He even shouted it.”

Naguguluhan ako sa mga usapan ng mga parenjers, akala mo naman nanonood sila ng Romance story.

Wag kang padadala, Lia, joke lang yun.

Tinanggal ko ang tsinelas ko at maging ang see-through ko. “Wala akong pera! Wag mo akong bentahan ng mga jokes mo!” tumawa pa ako sabay takbo papuntang beach.

Feeling ko, matutunaw ako kapag titignan at makikipag-usap pa ako ng matagal kay Keene.

Lumusong ako sa tubig, sana nga lang ay hindi na sumunod pa si Keene. Maghahanda na lang ako para sa paghaharap namin sa kwarto mamaya.

***

Keene’s POV

“Wala akong pera! Wag mo akong bentahan ng mga jokes mo!” tatawa-tawa pa siyang tumakbo papuntang beach.

Napailing ako. Is there something wrong in my way of telling her?

Nag-recall ako sa isipan ko.

Wala naman ah.

Wala talaga.

Ugh! Talaga palang hindi ako marunong sa mga salita na iyan. Failed ang nagiging resulta eh.

“Try again.”

Paglingon ako ay nakita kong nakasandal si Devon sa puno ng niyog doon, nakahaliukipkip pa siya at parang natatawa. “What?”

“Gusto mo bang panoorin ang ginawa mong pagpo-propose?” tinaas pa niya ang cellphone niya sa akin habang nagpe-play ang video kung saan dinig na dinig ang pag-amin ko kay Lia at ang sagot ni Lia.

“Panoorin mo mag-isa mo.”

“Ok, thank you. Talo pa nito ang movie ni Vice ganda, mas mapapatawa ako dito.”

“Damn you.”

“Thanks again. Now it’s my turn, watch,” sabi niya sa akin. Iniabot pa niya ang cellphone niya sa akin, “pahawak nga muna, bro, susundan ko lang si Lia.”

Wala na akong nagawa kundi kimkimin sa palad ko ang cellphone niya.

Ngayon lang ako nakadama ng ganung inis at ang masaklap dun, sa barkada ko pa. Bwisit!

Bumalik ako sa pagkakaupo sa buhanginan. Pinanood ko si Devon habang nilalapitan si Lia na tuwang-tuwa sa paglulunoy sa tubig.

Naniningkit ang mga mata ko, wala talaga akong tiwala sa karakas ni Devon.

***

Author: Ang girly ko, gesh!

Beyond my WonderlandBasahin ang storyang ito ng LIBRE!