BMW23

889 40 11

[BMW23]

Lia’s POV

Woooh! Tubig-dagat, tanggalin mo ang kalandian ko sa katawan!

Kinikilig ako gurabeh! Wala na akong ibang naisip na alibi kundi ang tumalilis papalayo keh Keene at maglunoy sa dagat.

“Oyst. Sexy ah.”

“Hay, bolero ka, Devon ah,” sabi ko. Piniga ko ang buhok ko.

Feel na feel ko naman kasi ang suot ko, akala ko kanina, malaswa ang tabas nun pero hindi pala. Safe naman ang pagkakatahi, so far.

“Bagay ng pang-model.”

“Para namang may gustong kumuha sa akin para maging model eh noh,” pero sa totoo lang, flattered ang lola mo.

Ngumiti siya sa akin.

Biglang nagkaroon ng effects ang paligid.

Lights...

Kumislap ang katawan ni Devon.

*o*

Pinaling ko ang ulo ko. Kung anu-ano ang pumapasok sa isipan ko. Kyaaah!

Kanina lang, si keene ang pinagnanasahan ko, ngayon naman biglang na-divert kay Devon. Pero anong magagawa ko? Talaga namang macho si--- *lunok lunok* si Devon ah!

Macho din naman si Keene...

Pero mas feel kong maglambitin sa mga maskels ni Devon...

Magpahalina sa ngiti ni Arc...

Ma-in love sa mga titig ni Keene...

“Ahy, Lia, ano ba yan!” bigla kong sinampal ang sarili ko.

Sa dinami-rami ba naman ng pwedeng description, yun pa. Kyaaaah!

“Hey, are you alright?”

“Ha?”

“Ok ka lang?”

Nalimutan ko pang nasa harapan ko lang pala ang isang pagpapala ni Amang Maykapal.

“Ah?” shet parang tanga.

Tumawa si Devon, “mukhang nilalamig ka na, halika, kunin na natin yung tuwalya dun sa pampang.”

Huli na para makaabot sa utak ko na binalot ni Devon sa akin yung mga maskels niya...

Oh my... maskels!

Kanina pa ako maskels ng maskels. *o*

Pagtingin ko sa paligid ay napagtanto kong nasa amin ang atensyon ng halos lahat ng mga kababaihan doon. Hindi ko sila masisisi, maganda ako--- I mean, gwapo ang kasama ko... at maganda ako.

Hep!

“Babalik pa ako dun,” sabi ko kay Devon.

“Oo, babalik tayo dun pero kailangan naman nating yayain si Keene, mag-isa eh.”

Oo nga pala. Nalimutan ko pa tuloy ang boss ko!

Habang palapit kami ng palapit ay pasama naman ng pasama ang pagtingin sa amin ni Keene.

“May masakit ba sayo?” di ko napigilang itanong sa kanya.

Para kasing natataeng ewan ang ekspresyon ng mukha niya.

“Oy,” hindi pa rin kasi siya sumagot.

Ang lakas talaga ng sapi niya, kailangan ng ipatingin sa albularyo.

“Bro,” si Devon naman ang nagsalita ngayon.

“Bumalik na tayo ng kwarto.”

“Pero---“

“That’s an order,” pagkatapos ay hinila niya ang kamay ko.

“T-teka!” ang puso ko, naiwan kay Devon! *kaching!*

Tumigil siya sandali, iniwan ako at may binalikan. Pagbalik niya ay may tuwalya na siyang dala at buhat din niya ang see-through ko. “Isuot mo yan at nang hidni ka pagpyestahan ng mga manyak na gaya ni Devon.”

Kinuha ko naman yung binibigay niya. “S-Si---“

“Kaya na niya ang sarili niya.”

Iiih!

Ang sarap niyang lunurin sa dagat!

Kung di ko lang siguro siya boss, malamang na sinipa ko na siya where-human-being-starts at sinubsob sa buhanginan.

Aisht!

Ba-bye, ocean deep! ‘Til we see each other again!

***

Author: Hey, you, yes, you... ahm... *walk out*

Beyond my WonderlandWhere stories live. Discover now