BMW16

1K 46 11

[BMW16]

 

Lia’s POV

 

“Wag kang lumayo, wala akong makakapitan eh,” sabi ko kay Keene habang papasok sa convention hall. Nalulula ako sa chandelier doon. Tapos sumabay-sabay pa ang heels kong 4 inches. Heto at malapit na kaming magpantay ni Keene. Yes!

“I told you not to wear those. Pwede ka namang mag-two-inch heel na lang.”

 

“Para magmukha akong maliit katabi mo, ganun? Ayoko nga.”

 

Puro de-class ang mga nandoon. Nakakahiya. Halos dalawang oras na rin siguro kaming nandoon at wala na akong ibang ginawa kundi makipagngitian sa mga ngingitian rin ni Keene.

Simpleng magenta cocktail dress lang ang suot ko, yun na ang pinakapormal na damit na dala ko. Akala ko kasi ay ‘business suit’ ang sinasabi nun ni Keene sa akin, hindi pala!

“Penge ako niyan,” ani ko sa waiter na dumaan na may dalang drinks. Kumuha na lang ako ng isa. “Gusto mo?” yaya ko kay Keene.

“Sanay ka bang uminom?”

 

“Hindi. Ikaw?”

 

“Oo.”

 

“Eh di maganda, subaybayan mo ako,” in-straight ko yung inuming kinuha ko. Pampakapal lang ng mukha. “Ampaet. Chenes na inuming yun, sino ba gumawa? Hindi masarap,” nilapag ko yung baso sa table na nasa harap namin. “Hindi ba uso dito yung bagay na ‘upuan’?” angal ko. First time kong mag-attend ng party na ang taas ng table kaya walang upuan.

“Sabi ko ng wag iinom eh.”

 

“OA ka na nga, KJ pa,” kumuha ulit ako ng inumin sa dumaang waiter, dalawa ang kinuha ko. Binigay ko kay Keene yung isa. “Oh yan para wag kang grumpy.”

 

“Ok,” kinuha naman niya pero hinawakan lang niya yung baso.

Pilit kong ginaya yung pagkakahawak niya ng baso. Ang hirap. Ang dami pa kasing arte ng baso, may kurbakurba pang nalalaman. Habang yung basong ginagamit ng mga lasenggo sa amin, simple lang ang disenyo.

“I would like to give thanks to the participants of this annual convention...” sabi nung Master of Ceremonies.

“Ano daw pinagsasabi niya?” taong ko kay Keene. Mas mahigpit ang hawak ko sa kanya ngayon. Mukhang tinatamaan na nga ako.

“May I call on Mr. Keene Endrew Narcisso of Narcisso Incorporated...”

Beyond my WonderlandWhere stories live. Discover now