BMW32

812 33 12

[BMW32]

Keene’s POV

“So?”

“’So’ what?” sikmat ko kay Devon na cool na cool lang ang dating habang ako, heto, pinagmamasadan ang likod nina Arc at Lia na papalayo na.

“Ano ng gagawin natin ngayon?”

“Bahala ka sa buhay mo.”

“Bro naman---“

“Si Lia ang usapan dito so wag mo akong matawag-tawag na 'bro'.” Tinignan ko siya ng masama.

Nagkibit-balikat siya tapos nagsimula ng maglakad paalis.

“Where are you going?” di rin ako nakatiis na tanungin siya. Malay ko ba kung may gawin siyang kalokohan, kilala ko si Devon.

Tumingin siya sa akin tapos tumingin din siya sa likuran niya, left and right. And then, tinuro niya ang sarili niya, “Ako ba ang kausap mo?”

“And who do you think I’m talking to?!”

“Who you po?”

Pusangina. “Bahala ka nga! Esh!” sinabi ko lang na wag akong tatawaging ‘bro’, di ko sinabing kalimutan niyang magkakilala kami. Esh talaga!

Tinalikuran ko na siya at naglakad ng naglakad. Bahala na kung saan ako mapunta, wala din naman akong ganang kumain. Esh kasi!

Sinipa ko yung isang di kalakihang bato.

“Kuya!”

Huh?

Ako ba ang tinatawag?

Haisht. Paranoid na siguro ako, sa dinami-rami ba naman ng batang nagkalat dito at sa dinami-rami ng ‘lalake’ doon, tanging 5% chance lang na ako ang tinawag.

Pinagpatuloy ko paglalakad, sipa lang ako ng sipa sa mga batong nadaraanan ko.

“Kuya...”

Naramdaman kong may humila-hila sa kamay ko. “Uh, hi, little girl,” kahit papanu, napangiti naman ako sa maliit na batang babaeng humawak sa akin. Ag cute niya, parang anghel ang mga mata niya.

“Para sa iyo,” inilagay na niya mismo sa kamay ko ang--- ano yun?

“Haha,” natawa ako, “sa tingin mo, gagamit ako nito?” hindi ko tuloy maiwasang sabihin yun.

Tumangu-tango siya, “ikaw ang tamang lalake sa kanya.”

“Kanino?” gusto kong humagalpak ng tawa pero baka maturn-off ang bata sa akin. At saka, bata nga, di ba? Madali lang mapahiya. Baka bigla pang ngumawa ng iyak at kuyugin pa ako ng mga tao. Mahirap na. “No, thanks, little girl.”

Umiling naman siya ngayon. “Kailangan mo yan, kung ayaw mo pong gamitin, tago mo na lang. Wag ka pong mag-alala, magkikita pa naman tayo.”

“Huh?”

“Paalam po! Sana po umamin ka na, kasi siya po, ganun din sa iyo.”

Nakatingin na lang ako sa papalayong likod ng bata.

What the?

Napatingin ako sa nilagay niya sa kamay ko.

Bracelet na gawa sa shells?

At sa tingin talaga niya gagamitin ko iyon? Nah! No way!

Nilaru-laro ko yun sa daliri ko, “the kid must be crazy,” napangiti ako sa sarili ko dahil sa ideyang yun.

Sayang naman, keh bata-bata pa, parang Lia na na nawawala sa katinuan. Tsk, paano na lang kaya kung lumaki na siya? Haisht.

Sa pagpapaikut-ikot kong yun sa bracelet ay tumilapon yun sa kung saan.

Esh naman.

Hinanap ko pero dahil ang init at nakakatamad na rin naman, bahala na.

Bracelet lang naman yun at bigay pa ng isang bata.

Makabalik na nga lang sa hotel.

Tapos na rin naman sigurong kumain sina Arc at Lia. At sana, nakabalik na si Lia sa kwarto.

***

Author: ^_^V Ngiti, -_- Poker face, T^T Iyak, -_- Poker face, ^_^V Ngiti. Ako na bipolar. XD

Beyond my WonderlandWhere stories live. Discover now