BMW27

868 41 8

[BMW27]

Lia’s POV

Limang araw na kami sa hotel. Limang araw na kasama si Keene sa loob ng kwarto.

“Hihihi,” impit na napahagikgik ako.

Para na talaga kaming mag-asawa neto oh. Newly wed?

Honeymoon!

Honeymoon?

H-Honeymoon?!

Parang biglang nagkabikig ang lalamunan ko dahil sa isiping iyon. Pinaling ko ang ulo ko, parang awa naman. Ako? Magpapakasal sa boss ko? Anlabo. Kahit pa ‘binibiro’ niya ako kanina, sobrang labo pa rin. Super! Pero kung tototohanin niya... hmm... bakit hindi?

Kyaaah!

Lia, Lia!

Sumisipul-sipol pa ako habang inaayos ang mga damit na nasa banyo, may basket doon na lalagyan ng mga damit na di pa nalabhan, sa kasamaang palad, magmula ng dumating kami ni Keene doon ay hindi na kami naglaba pa.

*ring ring*

“Oy, meh tawag,” wala pang tumawag mula nung first day namin dun. May telepono kasi eh. Hinintay kong mag-ring uli iyon bago ko sinagot, “Lia Marie Montesaryo, Keene Endrew Narcisso’s secretary speaking. May I know who’s on the line please?” pasok sa banga ang English. Isang buong gabi ko rin kinabisa iyon ha.

Buti na lang ikaw ang nakasagot,” tumawa pa ang nasa kabilang linya.

“Huh?”

Lia, si Arc to. Kamusta na?

“Arc!” nakaka-miss din pala siya. “Okay lang naman, sorry wala si Keene dito sa kwarto ngayon eh---“

Sa kwarto?!

Uh-oh. “Ahm... oo, ano kasi---“

Magkasama ba kayo sa iisang kwarto?!

Sheez. Sakit sa tenga. “O-oo---“

Inano ka? Inuutusan ka ba niya? Sinasaktan?---

“Relax! Ayos lang ako... ang weird niyo nina Devon ah!”

Nandiyan din si Devon?!

Tuluyan ng nagpang-abot ang dalawang kilay ko, “oo, bakit?” promise, nakalayo din ang cellphone sa tenga ko.

“Lerma! Pakihanda ang plane ticket please!--- Hintayin mo lang ako, Lia---“

“Uy! Ano bang sinisigaw-sigaw mo diyan ha?” hidni ko na tuloy maintindihan ang takbo ng usapan namin. Anong plane ticket?

“Anong plane ticket, Sir?” boses ni Lerma, medyo mahina lang.

“Plane ticket papuntang convention.”

“Ngee! Sinong nagsabing pupunta ka dito? Arc? Nandyan ka pa ba?”

“Hintayin mo lang ako, Lia, okay? Sige na, ba-bye na muna, mag-e-empake pa ako.”

Bago pa ako makapag-usisa ay kalampag na lang ng telepono ang narinig ko.

Anong nangyari dun?

Aisht.

Maituloy na nga lang ang paglilinis bago pa dumating si Keene at baka mabulyawan na naman ako nang wala sa oras.

***

Author: Hindi ko na po alam ang gagawin ko (-_-) Busy sa school, tapos may on-goings pa ako tapos may upcomings pa. Aisht.

Beyond my WonderlandWhere stories live. Discover now