BMW53

682 24 3

[BMW53]

Lia’s POV

“May nagpadala nito,” sabi ni Inay at iniabot sa akin ang isang kahon.

Napalunok ako.

Parang alam ko na kung ano ang laman nun. Kinuha ko yung kahon at binuksan ko.

Sabi ko na nga ba.

“Wow, sinong magsusuot niyan?” tanong ni Iyyam habang hinahaplos yung damit.

“Baka ikaw, kasya naman sayo, di ba?” papilosopong sagot ko.

“Baka nga sa akin kasi di naman bagay sa iyo eh.”

“Aba’t?” makasagot!

Kulay black yung cocktail dress na iyon. May kasama pa yung accessories.

“Ano? Pupunta ka na ba?” tanong ni kuya Aldrin, alam na nila na may pupuntahan dapat akong party sa susunod na linggo. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako nakakapag-desisyon.

“Hindi ko alam.”

“Aba eh sayang ang damit na ito!” sabi ni Inay na halata namang bumibilib sa dress na iyon.

“Nagdadalawang-isip pa kasi,” bulong ni Iyyam.

“Wag ka na pong magdadalawang-isip...”

Yung sinabi ni Jazle!

“Pupunta ako.”

“Ano?” sabay-sabay nilang sabi.

“Sabi ko, pupunta ako.”

“Sigurado ka?”

“Oo nga! At kailangan bang sabay-sabay talaga kayo? Psh.” Nakakabingi. “Pupunta ako. kahit na anong mangyari, pupunta ako.”

“Paulit-ulit?” umingos pa si Iyyam. “Eh di pumunta ka.”

Nag-irapan pa kami.

Kinuha ko ang kahon at pumasok sa kwarto ko.

Oo, pupunta ako.

Huminga ako ng malalim. Tama ba ang desisyon ko? Paano na lang kung---

“Ah! Walang paano-paano! Basta pupunta ako!” pagtutulak ko sa mga negative thoughts na pumapasok sa utak ko.

Isinabit ko sa hanger ang dress na iyon at nilagay sa mesa ang mga accessories na kasama niyon.

“Ngiti, Lia,” bilin ko sa sarili ko. “Ngumiti ka para maging mas maganda ka, okay?”

Ini-imagine ko na kung ano ang pwedeng mangyari sa party.

Magiging masaya kaya?

Masalimuot?

Nandun kaya si Keene?

Papansinin kaya niya ako?

Ano kaya magiging reaksyon ko?

Ah!

Binagsak ko ang katawan ko sa kama.

Dalawang buwan na...

May nagbago kaya?

“Bahala na, bahala na, bahala na!”

***

Author: Baka sa susunod na chapter, tapusin ko na ito. Pagpasensyahan kung waley ang kalalabasan kasi minamadali ko na lang talaga. Thank you and God bless!

Beyond my WonderlandWhere stories live. Discover now