BMW49

723 24 1

[BMW49]

Lia’s POV

“Hindi ka papasok sa trabaho?” pumasok na naman si nanay sa kwarto ko ng di kumakatok. Ikatlong beses na iyon at yun na yun lang din ang tinatanong niya sa akin.

“Masaki tang ulo ko, nay,” paano ba anman kasi hindi sasakit ang ulo ko kung hilam na sa luha ang mga mata ko? Psh!

“Bangon na diyan,” hinila pa niya ang kumot ko.

“Kunin mo na ang lahat sa akin wag lang ang aking kumot!” sabay hila pabalik ng kumot. Siya na nga lang ang kakampi ko, wag pang isama ang aking unan.

Narinig kong naglakad siya palayo.

“Anong nangyare dun, nay?” boses ni kuya Aldrin.

“Hay hindi ko alam diyan sa kapatid mo. Dumating kagabi na umiiyak, akala mo sanggol, naku, ikaw nga kumausap dun!”

Isa pang badtrip. Akala ko tulog na sila kagabi, yun pala, nananahi pa si nanay sa sala kaya nakita niya akong lumulubo ang sipon.

“Lia, di ka ba papasok?” yinugyog pa ni kuya ang balikat ko. Nakatalikod kasi ako mula sa pinto.

Umiling ako ng sunud-sunod, “ayoko, ikaw na lang kung gusto mo.”

“Pilosopo.”

Gaya ni inay ay naglakad na rin siya paalis.

“Kuya, anyare keh ate?” si Iyyam naman ngayon.

“Hindi ko alam, umuwi daw na umiiyak kagabi, ikaw nga ang kumausap diyan sa ate mo.”

“Ate,” naupo pa si Iyyam sa kama, “hindi ka ba papasok?”

“Ang kukulit niyo!” suminghot ako, hanggang ngayon kasi, barado pa ang ilong ko sa pag-iyak kagabi, “ayoko nga, di ba? Ayoko! A-YO-KO! Nag-resign na ako!”

“ANO?!” sa isang iglap, talo pa ng kidlat sina inay, kuya at Iyyam na sumugod sa loob ng kwarto.

Pinakiramdaman ko ang mga naka-expose na balat ko, para kasing ‘umulan’ sa loob ng bahay.

“Lia, nag-resign ka na, anak?”

“Lia, di ka pa sumusweldo!”

“Ate, yung unlimited ice cream ko!”

“May makukuha akong sweldo, okay?” walang ganang sabi ko, “sasapat na iyon para makapaghanap ako ng bagong trabaho. Yung simple... mabait na boss... hindi kailangang umakyat ng ilang hagdan kahit na may elevator naman... yung walang tatlong lalakeng nagpapahirap ng buhay ko... ng puso ko... yung trabahong hindi ko kailanganing mahulog sa isang taong di ako kayang saluhin kasi may iba na pala siyang binubuhat...” dun ako napa-singhot.

Tumahimik na sa kwarto.

Nakapikit lang ako. Wala akong pakialam kung ano ang isipin nila sa akin.

Masakit eh.

Sobrang sakit.

Ang babaw ko nga siguro pero... ah yaeh na!

Moment ko to.

“Lalabas na muna kami, nak.”

“Lia, nasa labas na yung kakainin mo, ha?”

Beyond my WonderlandBasahin ang storyang ito ng LIBRE!