BMW28

899 46 20

[BMW28]

Lia’s POV

Dahil magtatanghali na’t wala pa si Keene, lumabas muna ako ng kwarto. Balak kong maglunoy sa beach kaya simpleng sleeveless tapos shorts lang ang suot ko. Bahala na kung umitim ako, wala akong pambili ng sunscreen noh. Tapos bukas naman din na ang uwi namin, di ko na ma-e-enjoy ang tubig-dagat.

“Lia Marie Montesaryo!”

(O.o) Makatawag naman yun, buong pangalan pa?

“Lia!”

Sa dami ng tao, di ako makasilip. Ano ba yan?!

“Dito!”

Oh, dun daw, saan ba talaga?!

Tapos biglang lumitaw sa gitna ng maraming tao ang ngiting-ngiting si Arc habang kinakaladkad ang nakakaawang trolley niya.

“Arc?”

“Sino pa? Na-miss kita!” binitiwan na lang agad niya yung bag na bumagsak naman agad tapos bigla akong niyakap.

Kyaaah!

Hunk! Hug! Hunk! Hug!

May nagkislapan sa paligid, nasilaw pa nga mata ko kaya sigurado akong nakapikit ako sa kalalabasan ng larawan iyon.

“Ma’am, Sir, if pwede po, isa pa?” request nung isang babae sa hotel. Mukha siyang turista.

“Anong isa pa?” siyempre, shunga ako, di ko gets.

“Ngiti na lang, Lia,” iniakbay ni Devon ang kamay niya sa balikat ko.

Nakingiti na rin lang ako.

“Thank you, ma’am, sir, you’re a great couple and for sure, your picture will give us a high grade. Thank you,” kinamayan pa kami ng babae.

Ginawa pa kaming ‘project.’

“Na-miss kita!” at niyakap na naman ako ng mahigpit ni Arc.

“Teka nga, teka nga,” nilayo ko siya kahit na feel na feel ko namang magpayakap sa kanya--- ayt! Lia, bad girl! “Anong ginagawa mo dito? Alam ba ni Keene?”

“Kung alam ko, sinama na sana kita sa meeting,” at biglang may humila sa kamay ko palayo kay Arc.

No!

Lumingon ako.

Ahy, yes pala!

“Keene!”

“Bro!”

Sabay pa kami ni Arc.

“Devon,” may tinuro si Keene sa gawing kanan namin. Naroon nga si Devon at palapit na sa aming talo. Oh mi gasss.

Ngayon ay si Keene, ako, Arc, at Devon na.

“Balik na tayo sa kwarto, Lia,” pakiramdam ko ay ang hapdi na ng kamay ko sa pagkakahawak ni Keene. Parang ayaw akong bitiwan eh. At parang mapipigtas na rin ang pinakaiingatan kong pulsuhan.

“Magkasama talaga k-kayo sa kwarto?” tanong ni Arc na sa akin nakatingin.

“Ahm... oo nga, nasabi ko na sa telepono kanina di ba?---”

“Tinawagan ka niya sa telepono?!”

Nailayo ko ang tenga ko kay Keene, “pwede mag-explain? Ikaw, may sasabihin ka rin?” harap ko kay Devon. Siya na lang kasi ang di nagsasalita sa tatlo eh. Nakakasakit sa tenga.

“Wala.”

“Buti naman.”

“Date tayo.”

“Ha?!” yung tipong (-_-) ganito ka lang tapos biglang (O_O) naging ganito.

“Bro, kararating ko lang kaya may lunch date kami ni Lia,” ipit ni Arc na umaasang sasagot ako ng ‘oo.’

“Ako ang kasama ni Lia sa kwarto kaya ako ang kasama niya sa tanghalian,” kontra naman ni Keene.

Wala bang papatalo sa tatlong to?

“Boys, guys, men, alam kong maganda ako pero wag namang ganyan, nagba-blush ako,” hayan, lumabas na kalandian ko sa katawan.

Hindi ko alam kung nakakunot noo sila o sadyang iba lang ang paningin ko. “Ang mabuti pa, si Lia na ang pumili,” ika ni Devon.

“Come with me,” inilahad ni Arc ang palad niya.

“Stay with me,” hinigpitan na naman ni Keene ang pagkakahawak niya sa akin.

“Be with me.”

Yung totoo? Ganun na ba ako karapat-dapat?

***

Author: Due to unexplainable circumstances, my update is lame and can’t be change. Thank you.

Beyond my WonderlandBasahin ang storyang ito ng LIBRE!