BMW45

775 26 4
                                    

[BMW45]

Lia’s POV

“Hindi ka pa ba papasok?” tanong sa akin ni Kuya Aldrin habang ngumunguya ng pandesal na sinasawsaw pa niya sa kape.

Tumingin muna ako sa labas ng bahay, “hindi, kuya, susunduin daw ako ni Keene.”

“Sus,” tinaas niya pa ang paa niya sa monobloc chair na kinauupuan niya. “Umamin ka nga, boyfriend mo na ba yun?”

Nag-alangan ako.

“Inay!” sigaw niya ng hindi pa man ako sumasagot, “nagdadalaga na si Lia!”

“Kuya, naman eh!” tumingin ako sa orasan ko, “hala, mag-aalas-otso na...” kinagat ko ang ibabang labi ko.

*Message alert tone*

“I can’t fetch you, nagpapahatid si Silvermist.”

-Keene

As plain as that!

“Kung sinabi mo sanang hindi mo ako masusundo eh di sana maaga na akong umalis ng baha---“ binura ko ang tina-type ko at pinalitan iyon, masyado naman yatang demanding kapag ganun ang si-nend ko eh, “okay lang.”

Message sent.

Ano pa nga bang magagawa eh nagpapahatid si Ex?

“Aalis na ako,” tumayo na ako at binuhat ang mga gamit ko.

“Akala ko ba susunduin ka ng boyfriend mo?”

“Sa kasamaang palad, kasama niya ang ex-jowangwang niyang bisugo.”

Naghintay ako ng jeep sa labas ng bahay.

Nilalaru-laro ko pa ang mga gamit ko bilang pag-aaliw sa sarili dahil ang tagal-tagal ng jeep.

*peep*

“Jusmiyo marimar naman yan!”

“Lia, sabay ka na,” bumaba ang bintana sa passenger’s side ng kotseng pumarada sa harap ko. “Sa Narcisso Inc. ba ang tuloy mo?”

Hmm, not bad. “Oo, thank you!” agad akong sumakay sa kotse ni Devon.

Habang-daan ay wala akong kibo at nginingitngit lang ang daliri ko tapos nakatingin lang sa daan. Wala naman akong masasabi kay Devon. Awkward nga eh.

“Nice bracelet.”

“Ha? Ah, oo,” ngumiti ako, tinignan ko naman yung kamay niya, “hmm, nice bracelet din ah.”

“Napulot ko lang eh.”

“Oh?”

“Oo, ang ganda nga eh, tapos nabigla pa ako kasi pareho pa tayo. Co-incident kaya?”

“Ha? Siguro...” co-incident? “Wala bang batang nag-abot sa iyo or what niyang bracelet na yan?”

“Hmm? Wala naman.”

Hmm.

Di na lang ako nagsalita. Saan ba tutungo to? Wala naman ah.

*Message alert tone*

“Sabay tayong mag-lunch ha? I love you. Take care of your self because I can’t take care of you for now, maybe later. :)”

-Keene

Napangiti ako sa text niya. At least, babawi naman pala siya.

“Lia?”

“Yes?” di pa rin mapuknat ang ngiti sa labi ko nang humarap ako kay Devon.

“Gusto mong mag-lunch tayo mamaya?”

“Ahy, sorry, magsasabay daw kami ni Keene eh,” medyo pinalungkot ko pa ang boses at facial expression ko para naman damang-dama talaga. “Next time na lang ha?”

Hindi siya sumagot pero may tipid na ngiti sa mga labi niya.

Nakarating na kami sa unloading zone.

“Thanks for the ride, Devon, I owe you again.”

“Ahm, Lia?”

Bago bumaba ay tinpunan ko siya ng tingin. “Ano yun?”

“May pag-asa ba ako, if ever manligaw ako?”

Napaawang ng konti ang mga labi ko. Hindi ako makahagilap ng sasabihin.

Paano ko sasagutin ang tanong niya?

“Ah, another question please,” naapangiwing sagot ko sa kanya.

“Kayo na ba ni Keene?”

At nanlaki ng husto ang mga mata ko.

“Ahm--- a-ano?” nag-stammer pa ako sa pagsagot sa kanya.

Nagkibit-balikat siya, “I understand. Hindi naman ako yung taong nagagalit, anyway, good luck sa relationship niyo.”

“T-thank you...” at bumaba na ako.

I know na malungkot si Devon but then, hindi siya nagalit sa akin o kay Keene.

Dumungaw pa ako sa bintana niya, “you’ll find someone better.”

Tumango lang siya sa akin tapos ay umalis na.

Hay!

Buhay nga naman.

“Good vibes, Lia, good vibes,” pag-chi-cheer up ko sa sarili ko bago pumasok sa building.

***

Author: Kapit lang, okay? Wag bibitiw, aandar na tayo--- chusss! Matatapos na to, haha. XD Private chapter BMW47, nasa external link po. Thank you!

Beyond my WonderlandWhere stories live. Discover now