BMW2

1.7K 80 33
                                    

[BMW2]

Lia’s POV

Kanina pa ako lunok ng lunok habang ginigisa ako sa tingin ni Mr. Keene Endrew Narcisso.

Lahat ng imahinasyon ko sa kanya kanina ay bumaliktad.

Gwapo siya. Batang-bata. Mukhang single. Walang sampung anak sa iba-ibang babae. Uwaah! Binata siya! Totoo!

At siya ang lalaking nabulyawan ko kanina! Uwaah! This can’t be happening! Hindi to maaari! Paano na lang ang unlimited ice cream na pinangako ko kay Iyyam? Ang pagtatanggol ko sa piso sa jeep kanina? Ang pagkatapilok ko sa entrance kanina? At paano na lang ang mga gwapong nilalang na makikita ko dapat araw-araw sa Narcisso Incorporated?!

“So---“

"Di ko po sinasadya, sir. Ano po kasi--- bakit ba kasi kayo magsi-CR pa sa labas kung meh CR naman kayo dito sa loob ng office niyo, hindi po ba? Tapos na-late lang po ako kasi ma-traffic. Sinabotahe pa ako ng alarm clock ko kasi di ako nakabili ng baterya, mahal po kasi, 20 pesos isa. Tinapilok din po ako ng railings ng entrance niyo, sir, malapit pa tuloy magasgasan ang legs ko na mahilig sa shorts. Sir, sorry na! Sorry na po!” ano pa ba ang nakalimutan kong sabihin? Uwaah!

“Sira ang gripo sa CR ko.” Nginisihan niya ako, “you’re really willing to get this job?”

“More than willing pa po, sir.”

Sayang din naman kasi! Personal assistant ang a-apply’an ko. Malaking sweldo din iyon noh, sayang din ang pinag-aralan ko kung di ko lang din naman magagamit. Ayoko namang mahulog na lang sa pagiging saleslady sa palengke noh.

Pinasadahan niya ng tingin ang resumè ko. “’Lia Montesaryo.’ 24? You don’t look like one. Hmm. Pangalawa sa tatlong magkakapatid? Nice.”

Binalik na niya sa akin ang resumè ko. “Bakit?” tanong ko agad.

“What ‘why?’”

“Bakit mo po binalik?” naiiyak na ako.

“You’re hired.”

*pikit-mulat*

“Po?”

“You heard me right. I won’t repeat myself.”

“Thank you po, Sir! Salamat po! Salamat talaga!” mula sa kinauupuan ko ay dinukwang ko siya. Grabeh! Ang saya-saya ko!

Bahala na kung ano pang isipin niya sa akin basta may panlibre na ako ng unlimited ice cream kay Iyyam!

“Ops, sorry, bro.”

Napatayo ako ng tuwid. Bigla kasing bumukas ang pintuan ng office at may nakasilip na lalake. Mukhang barkada ni Sir.

“Sorry po, sir. Sorry po.” Nakakahiya.  (>ω<) Ilang kahihiyan na ba ang nagawa ko ngayong araw na ito?

Tumikhim si Sir Keene. Mukhang nagulat din siya sa ginawa ko. Sino ba naman ang hindi? “I’m your boss, remember that. Come back tomorrow.”

“Opo, sir. Opo.”

Naglakad na ako palabas ng pinto. Grabe lang! Waaah!

Tinignan ko pa ang lalakeng nasa pinto. Gwapo na naman, siyempre. “Good morning po, sir,” bati ko sa kanya. Tumigil pa ako sa harapan niya at nagbigay-galang.

Beyond my WonderlandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon