BMW20

936 44 9

[BMW20]

Lia’s POV

“Yan?! Isusuot ko yan?! Magpapatiwakal na lang ako!”

“Lia, relax, wag kang mag-hysteria,” pagpapakalma sa akin ni Keene. Nasa boutique kami sa loob mismo ng hotel at sa ngayon ay may pinaparada sa harapan ko si Keene na isang bathing suit na labas-kaluluwa.

“Relax? Eh buwis-buhay na nga yang pinapasuot mo sa akin!”

Tinginan naman lahat ng nakakarinig sa amin sa hawak ni Keene.

Unti-unti ay napahagalpak ako ng tawa.

“Anong nakakatawa?”

Tumingin ako kay Keene at pinunasan ang luha sa mga mata ko dulot ng pagtawa, “parang ikaw ang gagamit ng swimsuit eh!” napahagalpak na naman ako ng tawa.

“Lia...” (-_-)

Tumigil ako sa pagtawa, huminga ako ng malalim ng sunud-sunod, “di mo talaga masakyan trip ko eh noh? Akin na nga yan,” inabot ko yung swimsuit, mukha lang palang showy pero hindi naman. Baka naman kapag sinuot ko eh safe pa rin ang tabas, “kaw nagyaya sa akin dito ah kaya ikaw magbayad, wala pa akong sweldo,” sabi ko sa kanya, “gusto ko kulay blue, yung baby.”

Tapos sinabi na niya sa parang sales lady doon. “Wait for me here, Lia,” sabi niya sa akin.

Hinayaan ko na lang, tutal nakita ko namang iniabot niya ang credit card niya sa babae eh.

“Ma’am, eto na po,” sabi sa kin nung babae pagbalik niya, “ang swerte po niyo sa boyfriend niyo, ma’am.”

(o.O”)? “Eh?”

“Dagdagan na lang daw po ninyo, ma’am kung may gusto pa kayo,” sabi pa niya at giniya ako.

Ang wild mag-isip, boyfriend agad. Hayaan na, bakit ko pa ico-correct, kakatuwa nga eh. So bagay pala ako kay Keene, mwehehe!

Tumingin-tingin ako sa mga see-throughs doon, ayoko namang isuot na lang ng walang panakip yung swimsuit noh, makikita ang ka-sexy’han ko, mahihirapan din si Keene sa pagbugaw ng mga fans ko kung sakali.

Napangisi ako sa naisip, ang kapal ko pala.

“Miss, ito pa, bawas niyo na lang sa card ng ‘boyfriend’ ko,” sabi ko.

Nakangiti naman yung babaeng kinuha ang napili ko.

Lagot ako kay Keene kapag narinig niya ang pantukoy na ginamit ko para sa kanya. Buti na lang wala pa siya. Saan na kaya nagpunta yun?

Pagkakuha ng paperbag na kinalalagyan ng binili ni Keene para sa akin at ang credit card ni Keene ay lumabas na ako. “Iwan ba ako. Psh,” luminga-linga ako. Wala talaga si Keene.

“Looking for Keene?”

“Oy! Devon, kaw pala,” tumabi sa akin si Devon. “Wag ka masyadong lumapit, halatang maliit ako eh,” tinulak ko pa siya ng konti palayo sa akin.

“Wait here,” sabi niya tapos pumasok sa boutique na pinanggalingan ko lang kanina.

Pinaikot ko ang mga mata ko, “isa pa yun eh, nang-iiwan din. Psh! Makaalis na nga!”

Nagsimula na akong maglakad. Hindi naman siguro ako mawawala kung babalik ako ng mag-isa sa kuwarto namin ni Keene. Labo naman kasi ng lalakeng yun, di ko alam kung saan nagpunta. Sumabay pa si Devon na biglang susulpot tapos bigla ding mawawala.

“Sige, Arc, magpakita ka rin tapos biglang mawala at buburahin ko na kayong tatlo sa mundo,” kausap ko sa tiles ng hotel. Nasa gilid lang ako habang naglalakad.

“Lia!”

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Hayun si Devon, humahabol.

“Oh? Akala ko di ka na babalik---owww...” nanlalaki ang mga mata ko.

Lumuhod si Devon sa harapan ko.

“Tanggalin mo to,” tukoy niya sa suot kong flat sandals.

Absent-minded na humawak ako sa pader at tinanggal naman ni Devon ang mga sandals ko... tapos sinuot niya sa akin ang isang tsinelas na parang wedge na waah! Di ko alam kung ano yun basta yung pwedeng gamitin sa beach!

“She’s the modern Cinderella,” komento ng isang Amerikano sa kasama niyang pinay.

“Yeah, she is, sweet, hon. The guy looks like proposing.”

Hanuuu daw?

Kanina si keene ang napagkamalang boyfriend ko...

Ngayon naman, si Devon ang napagkamalang fiancé ko! Di naman kaya parang ang kati ko nun? Oh mi gas! Napatingin ako sa paa kong nakasuot ng magandang brand ng tsinelas--- nagmukhang sosyal.

Tumayo na si Devon at tumabi ulit sa akin, “oh yan, di ka na maliit tignan kapag tumabi ako sa iyo... suotin mo lagi yan ha? Lalo na mamaya kapag nagkita tayo sa beach.”

Nakakaramdam na ako ng hiya sa katawan nang maalala kung ano ang susuotin ko sa beach mamaya. Keene kasi eh!

***

Author: Ako rin naman kasi, eh! Yung feeling na naba-blangko ka habang nagsusulat kaya sigurado mong ang failed ng labas ng nasulat mo pero di mo na mabago kasi kung babaguhin mo pa, mas lalo ka ng walang masusulat. XD Ang gulo ko.

Beyond my WonderlandWhere stories live. Discover now