BMW17

940 42 7

[BMW17]

“Oh my, ang ulo ko, sheeeeeeeeeet!” pagkabangon ko sa kama ay agad akong sumigaw.

“What---the---hell!”

“Ang sakit ng ulo ko! Kaya wag kang sumabay sa pagsigaw! Waaah!” sinabunutan ko ang ulo ko at hindi man lang binigyan ng tingin si Keene. Naglapag siya ng kumot sa sahig at doon natulog kagabi. Tumingin ako sa ilalim ng kumot nung maalala yung ‘kagabi.’

“Wag kang assuming, di kita binosohan.”

“Aba malay ko ba kung may pagnanasa ka sa akin.”

Umubo pa siya, “kilabutan ka naman.”

“Pero ang sakit ng ulo ko!”

“Oo na, oo na... ugh! Alam na ngang di marunong uminom... ugh!” padabog na lumabas siya ng kuwarto at pagbalik niya ay may dala na siyang baso at gamot, “inumin mo yan. Mag-ayos ka na at nang hindi ka magmukhang bruha sa meeting mamaya.”

“May meeting ba? Ipa-ban mo nga ang nakalalasing na inumin doon.” Ininum ko ang gamot na binigay niya sa akin. “Ang pait!” pinunasan ko ang labi ko gamit ang likod ng palad ko.

“Walang gamot na hindi mapait.”

“Mag-i-imbento ako, di kita bebentahan!”

“Nagsabi bang bibili ako? Psh.”

Nilayasan na naman niya ako pagkatapos kunin yung baso sa akin. Pagbalik niya ay ganun pa rin ang puwesto ko, nakasabunot sa buhok ko... medyo umeepekto na rin naman yung gamot na pinainom sa akin ni Keene.

Ano kayang ginawa kong kababalaghan kagabi? Sana naman wala!

“Knock, knock...” mula sa labas ng pinto ay may kumatok... -_- alangan naman kasing manggaling sa loob ng kwarto ang kakatok.

“Who’s there?” psh, isa pa tong taong to eh, sino ba kasi at ginagawan pa ako ng kalokohan?

“Devon.”

“Devon who?” mapatulan nga.

“Haha, Lia, si Devon to.”

Sheeet! Akala ko may ‘knock-knock’ talaga siya!

Nagkanda-dapa-dapa pa ako sa pagbukas ng pinto.

May ngiti agad sa labi niya na napalitan ng pagka-shock.

“Oo na, oo na, mukha na akong bruha...” pigil ko sa sasabihin niya. Aware naman kasi akong mukha talaga akong sumali sa sabunutan, “nandito ka pala? A-akala ko nananaginip a-ako kagabi...”nauutal pa ako kasi naalala ko kagabing siya yung sumalo sa akin bago pa ako makipag-palit ng mukha sa sahig ng convention hall kagabi.

“Well, I’m just here to check on you, okay ka lang ba?” bumalik agad yung ngiti niya, inayos pa niya ang nawawalang buhok ko na parang nai-glue na sa pisngi at noo ko.

Nahiya naman ako, pumasok uli sa kukote ko ang sinabi ni Keene na tulo-laway ako, paano kung meh laway pa ako sa mukha?

“O-okay naman ako... kasi ano---binigyan na ako ng gamot ni K-Keene---“

“Anong room ba si Keene?”

“Sa room ni Lia, bakit?”

Out of nowhere ay sumulpot si Mister-pinag-uusapan-lang-namin.

Napatanga naman si Devon.

“Di ka naniniwala?” tanong agad ni Keene kay Devon na parang nabasa na ang sasabihin ng huli.

Sa akin naman tumingin si Devon, “Uhhh, oo, room mates kami... pero hindi bed mates, room mates lang,” paglilinaw ko. Mahirap na.

“Umagang-umaga, Devon, nangangapit-kwarto ka,” may ibang kahulugan ang sinabing iyon ni Keene: ALIS.

***

Author: pang-ilang page na to sa soft copy na nasa akin? 100. Success! XD

Beyond my WonderlandWhere stories live. Discover now