BMW5

1.4K 58 17

[BMW5]

Lia’s POV

“Magsi-CR lang po ako, sir,” paalam ko kay sir Keene na busy sa pagbabasa ng magazine na siya ang cover. Hawak ko ang ilong ko. Tatlong oras na ang nakakalipas mula ng nagbabasa ako at di pa ko nangangalahati sa tatlong modules.

“Why are you holding your nose?” naka-de kuwatro pa siyang nagpasway-sway sa swivel chair.

“Baka po kasi dumudugo na ang ilong ko, di ko lang napapansin.”

Dumiretso agad ako sa CR. Salamin! Oh mahiwagang salamin!

Chi-neck ko agad ang ilong ko. Kaliwa, kanan. “Buti naman at wala pang tumutulong dugo! Hayssst. Makukulangan pa yata ang utak ko gayong kulang-kulang na nga.” Hinawakan ko ang magkabilang side ng ulo ko.

Pagkatapos ay inismiran ang salamin na parang may kaharap ako, kunwari si Sir Keene iyon, “hang damot ah. Di man lang ako bigyan ng recess. Kumukulog na nga ang tiyan ko eh, bumabagyo na, signal number 4!” biglang tumunog ang tiyan ko bilang kampi sa aking protesta, “oh narinig mo iyon? Hmp! Buti na lang maganda pa rin ako. Iihhh!” tumalun-talon ako at lumikha ng ingay ang heels ko. Gutom na talaga ako eh!

“Keribels, Lia, isang oras na lang, lunch break na!” sige lang, Lia, convince yourself!

Inayos ko ang buhok ko at bumalik na sa labas. Nagco-computer naman ngayon si sir Keene. Paano kaya niya napapalago ng ganun ang Narcisso Incorporated kung mukhang di naman siya nagtatrabaho? Hayst.

“One... two... two and a half! Yes! Konti na lang talaga!”

“Shh!”

“Opo, sir,” napahagikgik ako. Napasigaw pala ako? Syempre, sino ba naman ang hindi matutuwa kapag malapit ka ng matapos sa mga module na pwede ng ikompara sa first volume ng dictionary?

10 minutes...

25 minutes...

“Are you done?”

“Kunting tiis na lang, sir, tiwala lang. Ilang pages na lang oh.”

“Di ka pa ba gutom?”

At ngayon ka pa nagtanong kung kelan medyo nairaos ko ang kagutumang aking nararamdaman? “H-hindi po.”

*krug*

Salamat sa pakikisama, tiyan!

Napatingin ako kay Sir Keene. “Grabe, sir. Sige na nga, gutom na ako.”

“Halika, kakain na tayo sa ibaba.”

“Ahy, wag na po, sir! May pera naman po ako.” Nakakahiya naman kasi kung ililibre pa niya ako, hindi ba? “Sige po, sir, bababa na po ako.” Nagba-bye ako sa kanya.

Dala ko naman na ang wallet ko na may laman na 75 pesos, nakahiwalay na ang pamasahe ko pauwi dun ah. Di naman siguro ako maba-bankrupt sa pagkain sa canteen sa baba.

“Hi, Lia!”

“Oy, Arc--- eherm--- Sir Arc!”

“What’s with the formalities? Call me ‘Arc,’” sumabay siya sa akin sa pagsakay sa elevator.

Namumula ba ako? Hindi ko sure! Kaming dalawa lang sa elevator ohmigahd! “Eh boss ka kasi dito. Bastos naman yata kung ‘Arc’ lang ang itatawag ko sa iyo. Pero dahil mapilit ka, sige, Arc.”

“Hahaha. How’s first day?”

“Ok lang naman, may test ako mamaya, ang hirap mag-review. Nakakaiyak pa yatang magpa-test ang professor ko,” sinabayan ko yun ng tawa.

Tinignan ko si Arc na nakitawa na rin. *o* Gusto kong tanungin kung bakit ang gwapo niya. Waah! Bakit ang ga-gwapo ng mga lalake dito sa Narcisso Incorporated?

“Kakain ka?”

“Oo eh, kanina pa bumabagyo ang tiyan ko.”

Nagsabay kami sa paglalakad nung bumaba na kami sa second floor kung saan naroon aang canteen.

“Libre na kita,” alok niya sa akin.

“Wag na! Kahiya naman.” Pinipilit na ang utak ko sa kakiligan nito eh!

Pagpasok namin sa canteen--- (O_o) Di yata tama ang pagpapangalan ko ng ‘canteen’ doon kasi isa siyang “Restaurant!”

Menu--- uwaah! 105 ang pinakamura doon! At ang pinakanakakagulat pa, kapirasong gulay lang iyon!

“Sige,” sagot ni Arc.

*Eherm* Kalimutan muna ang hiya, Lia. “Pero kung iisipin naman talagang mabuti, sige, libre mo na ako. Tiba-tiba ka naman eh. Libre na lang kita kapag sumweldo na ako.”

“Sabi sayo eh, halika na,” at inalalayan niya ako sa siko.

Wag kang ganyan, Arc! Baka pangarapin kong maging ama ka ng panganay kong anak! Tapos pangalawa si Devon, dapat kambal naman sa kanya. At siyempre, mawawala ba naman si sir Keene? Uwaah! Bakit siya nasama? Bura bura! Ahy wag pala! Undo erase! Isama na lang. XD

In-order’an ako ni Arc. (O_o)

Naupo na kami.

(o_O)

Di na talaga ako mapakali sa kinauupuan ko na hinila pa ni Arc sa akin.

Presyo--- 325.99

Walang patawad na restaurant! Pati sentimo, pababayaran pa! “Kapag ako nanlibre sa iyo, wag mong asahang ganito din ah? Cheap cheap lang ako, kababayan,” nakakahiya kay Arc! “Wala bang student meal dito? Ang mahal naman kasi!”

“Bakit naman? I’m not expecting any in return.”

“Pangako? Err. Pero nakakahiya pa rin, ililibre na lang kita ng monay sa panaderya sa malapit sa amin. Masarap iyon, dinadayo pa nga eh, samahan na lang natin ng gulaman na mabibili sa ihawan sa harap ng bahay, masarap din iyon, hayun, solb na solb!”

“Katuwa ka talaga. Haha.”

Dumating na ang order namin. Sa una, hiyang-hiya pa ako kay Arc na gumagamit pa ako ng kutsara’t tinidor. “Shemay. Ang hirap kainin ng manok na ito, sensya na ha? Kamayin ko na lang.”

Hmm. Mas nakakabusog talagang kumain kapag nagkakamay eh!

Tahimik na ang paligid...

Anyare?

Bakit?

Habang hawak ang manok na nakasubo pa sa bibig ko, tumingin ako sa paligid ko---ow-kay, tell me hindi sila nakatingin sa akin!

Napatigil din lahat ng mga crews dun.

“Pst,” sutsot ko kay Arc na natameme na yata sa akin, “masama bang magkamay?”

“Ha?” pumikit-dilat siya, “no! No! Of course not. Hahaha.”

(OmO)

“Oy! Anong ginagawa mo?” (“O_o)

“Ginagaya ka, mukhang mas masarap kumain kapag nagkakamay eh,” binitiwan na niya ang mga kubyertos at nagsimulang magkamay.

(-m-)

Trying hard ang labas kapag siya ang gumagawa eh, hindi bagay, halatang mayaman kasi! “Magkutsara ka na nga.”

“Wag na, kumain ka na lang,” tingin sa paligid, “you should try this once, guys! Masarap kumain kapag nagkakamay.”

I-announce ba?!

***

Author: How’s that? Hahaha. Di ko alam ang feeling ng magkamay ng kumakain eh kaya di ko ma-portray ng maayos. Hahaha.

Beyond my WonderlandWhere stories live. Discover now