BMW25

873 43 17

[BMW25]

Lia’s POV

“Ahemmm!” nag-inat pa ako.

“Ouch! Lia!”

Huh?

Na-freeze ang pag-inat ko.

Tapos... bakit parang ang tigas ng unan ko? Tapos... bakit amoy pabango ang kumot ko? Tapos... tapos...

Tumingala ako.

“Kyaah!”

“Lia! Ako na nga tong sinapak mo ng pagka-aga-aga, sisgawan mo pa ako. Psh!”

Agad akong bumangon at natapilok pa ako sa pagtayo ko kaya napaupo ako sa sahig. Kaya naman pala matigas ang ‘unan’ ko kasi braso na yun ni Keene at kaya pala mabango ang ‘kumot’ ko dahil ang lapit-lapit ko na kay Keene.

“Eh--- bakit kasi lumapit ka!” sa pag inat ko kasi ay natamaan ko ang panga ni Keene.

“Sheez,” sapo niya ang napuruhang panga niya, “ikaw kaya tong yumakap sa akin kagabi.”

“Di ko yun g-gagawin noh!”

“Yeah, nang gising pero kapag tulog, kunti na lang at gagahasain mo na ako.”

“Kyaah! Hindi ah!” tumayo ako at hinawakan ang balakang ko, “ang sakit na oh!”

“Tingin nga--- Lia...” nagpoker face siya sakin nung paluin ko yung kamay niya.

“Mas may tiwala pa ako keh Devon kesa sayo, sa kanya na lang ako sasama, lagi mo kong pinapahamak!”

Tinapunan niya ako ng masamang tingin. “Eh di kay Devon ka!” asik niya tapos pumasok sa banyo. Pabalibag pa niyang sinara yung pinto.

Hala?

Umupo ako sa kama. Shetness. Masakit talaga.

“Oh, bakit nandito ka pa? Akala ko ba kay Devon ka?” untag pa ni Keene sa akin paglabas niya ng banyo.

Problema na naman?

“May mens ka nuh?” nginisihan ko siya.

“Mens?”

“Dalaw. Menstruation. Di mo alam yun?”

“How would I know! Lalake ako, Lia!”

“Shet. Pakihinaan naman ang volume, sakit sa tenga eh. Ang sungit sungit mo, ang aga aga pa eh. Ok? Peace na tayo... bakit baa yaw mong marinig pangalan ni Devon?” tumalim na naman ang mga mata niya, “oh siya, hindi na po. Good girl na po si Lia.”

“Maligo ka na, iiwan kita mamaya.”

“Ha? Sama ako.”

“It’s a meeting, Lia, mag-ayos ka na lang dito sa kwarto mamaya.”

Ewan ko kung bakit nangingiti ako. sa tono kasi ni Keene, parang isang asawa na binibilinan ang misis niyang mag-ayos pagkaalis papuntang trabaho para pag-uwi ay maaliwalas na ang madaratingan niya.

“Nginingisi-ngisi mo an naman diyan?” naghahalughog siya sa bag niya.

“Wala...” pero kahit na anong pilit ko ay hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko, “Keene.”

“Yes?”

“Wala ka bang balak mag-asawa?”

Tumingin siya sa kin.

Tinignan ko rin siya.

“Bakit?” tumaas ang isang gilid ng labi niya, “gusto mo na ba?”

***

Author: Lame. Walang silbi. Walang effect. Thank you.

Beyond my WonderlandBasahin ang storyang ito ng LIBRE!