BMW7

1.2K 46 11

[BMW7]

Lia’s POV

Magkakaugat na ako sa buong katawan pero wala pa rin akong Devon na makitang paparating. Ang sakit-sakit na ng paa ko dulot ng 3-inch heel na suot ko. Kung bakit ba naman kasi walang upuan sa shed na iyon na malapit sa Narcisso incorporated.

“5 minutes na lang...” chi-ni-cheer up ko pa rin ng sarili ko.

5 minutes na lang talaga! Mag-iisang oras na rin akong naghihintay doon noh! 5:15 ako lumabas ng building eh mag-aala-sais pasado na. Dumidilim na. Kung di ko lang talaga crush yang si Devon, malamang na umuwi na ako mag-isa kahit na nasasayangan ako sa 13 pesos na pamasahe sa jeep. Di ko pa naman afford ang taxi kasi wala pa akong sweldo.

Hayan na, nag-a-alarm na sa utak ko na nag-expire na ang 5 minutes na palugit ko.

“Extend pa, 5 minutes ulit...” never say never!

*peep peep*

“Loko to ah!” bwisit na kotse yun! “Di por que sports car, manggugulat na ah!” may tumigil kasi sa harapan ng shed tapos bigla na lang pinagmayabang ang busina ng sasakyan.

Bumaba ang tinted na salamin sa passenger’s seat sa tabi ng driver’s seat.

Mula sa driver’s seat ay nakita ko si Sir Keene--- si S-Sir Keene?

“Sakay na.”

Wag ka munang assuming, Lia, lingon ka kaya muna?

“Hay lingon lingon na yan, basta ako ang tinatawag niya, wala ng iba,” bubulong-bulong pa ako habang pasakay sa de-aircon na sasakyan ni Keene. First name basis. Yun na.

Ako pala binusinahan kanina. Ahihihi.

“Saan kita ihahatid?” automatic na sumara ang tinted na salamin. Ramdam ko na ngayon ang malamig na aircon.

“Pakaliwa sa Baku-bakong daan, salamat!” alam naman na siguro niya iyon noh.

Nag-drive na siya. Di na ako nagtanong kung out of the way ba ako o ano. Basta ang importante sa akin ngayon, makauwi na, asap!

“I thought Devon would pick you up.”

“Ahy parang awa mo na at wag mo kong simulan, masakit ang talampakan ko,” wala naman amoy ang paa ko sa tanggalin na yang heels na iyan.

“Don’t trust Devon. He’s a casanova.”

“Ang bait na kaibigan, very supportive.” Sinisiraan ba niya si Devon sa akin? “At di naman ako utu-uto ah. Friends lang kaya kami.” Buti pa sana kung si Arc. <3 Kinilig uli ako.

“Even Arc himself is a casanova. Beware of them.”

Siraan na niya lahat-lahat! “Mukhang hindi naman ah. Mabait kaya siya... sweet... galante... gentleman... gwapo... mabango... matikas... matangkad... hay...”

Kung saan-saan napupunta ang isip ko. Nakatunghay ako sa labas ng bintana at hindi nakatingin kay Keene. Nakakasira ng view eh.

“Wag kang masyadong mangarap.”

“Kontra ka talaga. Bakit ba?”

“Iniisip ko lang ang kapakanan mo.”

“Wow. Ang bait ni Keene, kaya ko na sarili ko, oh jan, kaliwa please.”

Malapit na kami. Ang sakit talaga ng paa ko!

“Halt! Dito na.” Hayan na! Nandito na kami. Binuhat ko ang sapatos ko at binuksan ang pinto, paglabas ko ay sumilip ako sa loob ng kotse, “baba ka muna.”

“No, thanks.”

“Baba ka muna, ngayon lang naman eh.” At ang sakit na ng paa kong nakasayad sa lupa noh! FYI, di ako nakasandals! Nakapaa ako!

“Ate Lia!”

“Iyyam!” tumingin ulit ako kay Keene na nakikitingin na rink ay Iyyam sa pinto, “halika na kasi, dami pang ek-ek eh!”

In-off na niya ang kotse tapos bumaba siya. “Bakit ka nakapaa?”

“Ngayon lang nakakita ng nakapaa? Syempre, masakit ang paa ko sabi eh, halika.”

Nauna na akong pumasok sa bahay, sinalubong ako ni Iyyam ng halik sa pisngi gaya ng nakasanayan.

“Ikaw ba ang jowa ng ate ko?”

O.o Pinagsasabi ng batang ito? “Iyyam, ano ka ba! Pasok ka na nga, masakit ang paa ko eh.”

Humalukipkip pa si Iyyam bago nagpahuling pumasok ng bahay. Nakataas ang isang kilay niya at pang critique na pinagmamasdan ang bawat galaw ni Keene.

Natatawa naman ako kay Keene dahil mukhang di man lang siya nasindak kay Iyyam. “Pagpasensyahan mo na ang bunso namin ah? Ganyan talaga iyan, menopausal eh. Teka lang, magpapalit lang ako ng pambahay.”

Pumasok na ako sa kwarto ko, bahala na si Iyyam sa kanya. Mwahaha!

***

Author: Next chapter will be Keene’s part! Hakhak.

May nakausap ako, ang sabi: “Tell me more about yourself.”

Ang sagot ko: “Tao ako. Basic yan.”

Alam niyo sagot? “Whoa! I didn’t expect that!”

Grabehan? Hahaha

Beyond my WonderlandWhere stories live. Discover now