BMW51

684 22 7

[BMW51]

Lia’s POV

“Saan ka na naman pupunta?” tanong ni Inay paglabas ko ng kuwarto at nakadamit ng panlabas.

Bumuntung-hininga ako. “Maghahanap na naman po ng trabaho, isang buwan na yata akong natengga dito sa bahay eh,” sabi ko na medyo lupaypay ang balikat.

“Woooh! Magda-dalawang buwan na nga eh,” nakalabing usal ni Iyyam habang nanonood ng Tinkerbell sa TV.

“Batang---“ nagpigil ako, “taba!” nagmartsa ako palabas ng bahay. “Aalis na ako, kuya,” paalam ko kay Kuya na naglilinis ng bisikleta sa labas ng bahay.

Mula ng wala na kami ni Keene, nakapagtatakang nabawasan na ang pakikipag-barkada ni Kuya Aldrin.

Hay, si keene. One month? Two months? Yes, nearly two months nang wala kaming communication, pati sina Erma, Devon at Arc ay iniwasan ko na. Si Silvermist naman, natahimik na rin ang kaluluwa. Maybe nakuha na kasi niya ang gusto niya.

Habang ako? Heto, nahihirapan sa paghahanap ng trabaho dahil walang pera na pamasahe. Yung sweldo ko na nga lang nung nagtrabaho ako sa Narcisso Inc. ay ipinadala na lang sa door-to-door, may kasama na rin yung bonus.

Medyo masakit pa rin hanggang ngayon pero medyo nasanay na rin ako. Kakayanin ko, masaya naman na siguro si Keene kay Silvermist.

Napangiti ako sa isiping yun.

“Ate Lia!”

Lumingon ako, nakita ko si Jazle na kumakaway.

Weird pa rin siya hanggang ngayon, laging sinasabing ‘maghintay ka lang po ha?’ tapos tatakbo na paalis.

Nung una, umasa ako... naghintay ako... pero ngayon, wag na lang pala. Sobra na.

“Hello!” ganting bati ko at ipinagpatuloy ang paglalakad.

Ang tagal naman kasi ng jeep.

Walang masakyan.

Medyo nakakalayo na ako sa bahay ng makarinig ako ng harurot ng sasakyan. Gumilid ako agad, baka mahagi pa ako, wala na nga akong perang pamasahe, pampaospital pa kaya?

Sa gulat ko ay tumigil ang isang pink na kotse sa tabi ko.

“Silvermist...” usal ko.

Hanggang ngayon ba naman?

Akala ko natahimik na siya.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad at isinawalang bahala siya.

“Hey!”

Hine-‘hey’ nun?

Di ako lumingon, taas noong naglakad ako.

“Hey, Lia Marie Montesaryo!”

Ah, ako naman pala.

Lumingon ako at namaywang sa kanya, winagayway ko pa ang hawak kong folder na naglalaman ng mga papers ko para sa pag-a-apply ng trabaho. “Ano na naman ang kailangan mo ha? Hindi pa ba sapat sa iyo na makita akong ganito? Tignan mo,” minuwestra ko sa kanya ang sapatos ko, “pudpod na ang heels ko kakalakad para maghanap ng trabaho kaya magsaya ka na kasi maghihirap na ako buong buhay ko!” tumalikod ulit ako.

Buwisit na jeep naman kasi, kung kailan kailangan, saka missing in action!

“Like duh! I know na you’re mahirap naman na, hop in! Magsasayang ka lang ng barya-barya para sa fare sa jeep.”

Beyond my WonderlandWhere stories live. Discover now