BMW10

1.1K 50 8

[BMW10]

Lia’s POV

Nadala na ako sa mahal ng pagkain sa canteen-cum-restaurant sa Narcisso Incc., kaya ngayon, magbabaon na ako ng tanghalian ko. Sayang din ang pera noh.

“Nay, Kuya, Iyyam, mauna na ako! Babussshhh!” Lumabas na ako ng bahay at nag-abang ng jeep. Maaga pa, kakayanin pang maghintay ng 5 minutes para sa jeep.

“Lia!” bumaba sa kotse si Devon, tinigil kasi niya sa harapan ko ang kotse niya.

“Oy, Devon!” anong ginagawa mo dito? Pagkatapos mo akong Indian’in at pagkalyuhin ang pinakamamahal kong paa, magpapakita ka? Nagngingitngit talaga ako sa kanya!

Ngumiti siya sa akin, “sumabay ka na sa akin, pupunta din ako kay Keene eh. Nanggaling lang naman ako sa kabilang barangay, tapos nakita kita.”

“Wag na, baka may iba ka pang susunduing babae gaya ng ginawa mo sa akin nung isang araw, hmp,” hindi ko na talaga naitago ang pagngingitngit ko sa kanya. Kahit pa gaano kalalim ang dimples niya kapag ngumingiti siya, hindi ko siya patatawarin. Hmp, hmp, hmp!

Nangunot ang noo niya sa akin, “hey, wait. I thought may lakad ka nung araw na sabihin kong susunduin kita?”

“May lakad? Eh yun ngang sinabi mong susunduin mo ako ang pinagtakpan kong ‘lakad’ ko that day, noh! Nagkapaltos pa ang paa ko dahil nakatayo akong naghintay sayo, kaasar ka.” Nag-pout pa daw ako.

“Ti-next ako ni Keene na hindi ka raw pwede kasi may pupuntahan ka. Di naman kita ma-contact nun kasi wala ka namang number sa akin kaya naniwala na lang ako.”

“Sinabi ni sir Keene?” I smell something malansa!

Tumango siya sa akin.

“Kung gayun, dapat lang na sumama ka sa office ngayon,” ako na ang kusang sumakay sa kotse, “dali na, may kakausapin pa tayo.”

Nag-drive na si Devon. Wala kaming imik habang-daan. Naghahanda ako ng speech sa utak ko. Nakakainis lang. Grr. Kaya pala ganun kasi ano! Ugh!

“Good morning, Lia!” bati sa akin ni Erma.

“Wala ako sa mood, babalikan na lang kita mamaya kapag okay na ang ulo ko,” sumaludo ako sa kanya at hila-hila ko si Devon na nagtungo sa elevator.

Kulang na lang ay palabasin ko lahat ng nakasakay sa elevator.

Dire-diretsong pumasok ako sa office---hila ko pa rin si Devon.

Di ako kumatok. Pagpasok namin, nakita ko si Keene na prenteng nakaupo sa swivel chair niya habang nakatingin sa PC niya, “sabi mo wala si Devon noon, yun pala sinabi mong ako ang wala.”

“Bro, akala ko ba wala si Lia kaya di ako tumuloy?” sunod ni Devon.

“Ang sakit ng paa ko sa heels noon ah.”

“Kung sana sinabi mo, bro, eh di sana nasundo ko si Lia.”

“Tapos kunwari ka pang ihahatid mo ako, ano bang plano mo, ha?” salitan kami ni Devon sa pagsasalita.

Tumayo si Keene at inayos ang kurbata niya, “Sino ang boss?”

Sino nga ba? “Ikaw.”

“Ako naman pala. Sino ang secretary?”

“Ako.” Di ko na itatanong kung sino kasi ako lang naman talaga!

“Ikaw naman pala. Sinong mas mataas, ang boss o ang secretary?”

Parang alam ko na ang patutunguhan nito. “I-ikaw.”

“So, what’s the matter?”

“Yun na nga, what’s the matter nga ba,” kausap ko sa sarili ko, “kaw kasi, Lia, ang assumera mo. Sabi ng walang problema eh, angal ka pa ng angal. Wag mo ng uulitin yun, ha? Ha?” gumawa pa ako ng finger puppet na binubuka-buka ko sa harap ng mukha ko. Tumingin ako kay Keene, “sige po, ‘SIR,’ balik na po ako sa upuan ko, ‘SIR.’” Hayan, walang halong sarkastiko kong sabi.

Binitiwan ko na si Devon, nakakahiya talaga ako kahit kelan.

“Lia.”

“’SIR?’”

“Stop that tone. Pumunta ka sa baba, hingin mo kay Erma Leyanis ang mga files na pina-compile ko.”

Tumango ako, “yes, ‘SIR.’” Di ko pa rin siya tinantanansa ‘SIR’-‘SIR’ ko. Nakakashunga kang, KEENE ka!

Sumenyas na lang ako kay Devon bago lumabas.

“Akala mo naman kung sino, hmp, mas gwapo kasi si Devon kesa sa kanya. Hmp. Si Arc na nga lang ang pagpapantasyahan ko,” paingos ko pang sabi nung nasa hallway na ako. Humarap muna ako sa salamin, kunwari si Keene iyon, “kaw talagang lalake ka! Meeee-oooow!”

Sumakay ako ng elevator, sa 6th floor lang naman ang punta ko.

-ting!-

Heto na ako, 6th floor. Dito naman bumababa si Erma kapag magkasama kami.

Pumasok ako sa office doon. Nakita ko si Erma. “Oy, babaita!” pagbati ko sa kanya.

“Babaita?”

“Oo, babaing ita,” tinawanan ko yun, “charing! Mag-isa ka pala dito?” wala kasi siyang kasama doon.

“Gaga, meron noh, si Sir Arc kaso late yata ngayon eh. Oh, papakuha na ba ni Sir Keene ang mga files?” may kinuha siya mula sa desk niya at iniabot sa akin.

“Yah yah, nakakainis yung lalakeng yun, di ko alam kung anong klase ng sama ng loob pinaglihi. Grabe, girl! Kumbaga sa lindol, intensity 9 siya!” di ko na tuloy maiwasang maglabas ng sama ng loob kay Erma. Siya pa rin lang naman kasi ang kaibigan ko sa building eh tapos iba pa yung mga papabols.

Tinapat niya ang hintuturo niya sa labi niya, “yang bibig mo, wag kang magsasalita o gagawa ng kahit na anong kalokohan sa 9th floor tungkol kay sir Keene, naku, lagot ka. Lalo na’t ilang araw ka pa lang!”

“At bakit naman?”

 Pinagsalikop ko ang mga kamay ko habang nakatingin kay Erma.

“Bruha ka? Di mo ba lam na lahat ng salamin sa floor na yun eh may camera sa likod? Pati CR, sa hallway at lahat-lahat ng salamin! Di ko rin alam kung pati ba sa salamin ng tables dun... kaya nga lahat ng naging secretary ni sir Keene, bumababa pa sa 8th floor para lang magpolbo at sumagot sa call of nature.”

Kumirat-kirat ang isang mata ko. “T-totoo?”

“Sa laki ba naman ng Narcisso Inc., dapat lang na maglagay sila ng mga ganung ek-ek noh... oh, bakit namumula ka?”

“Bakit ngayon mo lang sinabi yan?! Uwaaah!” napaisip tuloy ako, ano ba ang mga pinagagagawa ko sa mga salamin doon? “Erma, baka huli na nating pagkikita to kung ganun!”

***

Author: BMW10 na ito, di ba? Wehehe. Wag ko na lang pala i-private. Di naman yata kagandahan ee, parang ang feeler kapag ipa-private ko pa. Hakhak.

Beyond my WonderlandWhere stories live. Discover now