BMW39

752 24 2

[BMW39]                                                                                                             

Lia’s POV

“So?” kumamot pa siya sa batok niya, kanina pa tapos ang kanta pero heto, sheez ambading ata pero... ahy ewan!

“Anong ‘so’?”

Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko. “Tayo na ba?”

“Iih! Umamin na si sir... ssh!”

“May tao ba sa labas?” di ko na nasagot yung tanong niya. Paano ba naman kasi, may mga nagtitilian sa labas ng glass door. “Tignan naten.” Ako na mismo ang humawak sa kamay niya, take note, holding hands.

Unti-unti kong binuksan ang pinto.

Pagkabukas, kanya-kanyang lusot ang mga empleyado.

“Why are you here?” matigas na tanong ni Keene. “Hindi ba’t sa ibaba kayo?”

“Ahm, ano po kasi, sir...”

“Napadaan lang...”

“Namamasyal...”

“Mga chuserang to, nakinig kamo,” mula sa likuran ay nandun si Erma, siya ang pasimuno, halata naman eh. “Sorry po, sir, Lia bakla, bababa na kami,” nag-peace sign pa siya sa akin.

Pinanlakihan ko siya ng mata at binigyan ng inistorbo-niyo-kami look.

Pagkaalis nila ay napa-facepalm naman si Keene.

“Asan na nga ba tayo?”

“Aba ma?” exhausted na ata siya. ^///^

“Okay---“

*Ring ring*

Tumunog yung telepono.

“Wrong timing, esh!”

“Sagutin mo na, baka importante yan, sige ka.”

“May mas iimportante pa ba sayo?”

Mais!

“Buhay mo.”

“Ikaw nga buhay ko.”

“Ang corny mo, sagutin mo na nga lang yun.” Tinanggal ko ang pagkakahawak ng kamay niya sa palad ko. Wala pa ata siyang balak sagutin ang telepono eh.

“Okay.” Nagtungo na siya sa mesa niya, “Hello?” sumenyas siya sa akin ng ‘teka lang’ at tumango naman ako, “what? Why’d you not inform me earlier?” ngayon ay unti-unti ng kumunot ang noo niya, “okay, I’ll be there in a moment.” Binaba na niya ang telepono.

“Ano yun?”

“Ahm, sorry, ituloy na lang natin to maybe tomorrow, I really need to go, take care,” bago pa ako makakontra ay ginawaran na niya ako ng halik sa NOO.

Wow ha, pang-elders lang.

Masyado naman yata siyang magalang.

-_-

Hindi na ako nakapagreklamo pa kasi parang hangin na lang siya na hindi ko na nakita. Wala na.

“Ugh!” ang dami naman kasing sagabal eh. Yun na yun, oh! Malapit na, super lapit na! Pinagdikit ko pa ang dalawang daliri ko para lang maipakitang ‘malapit na’ talaga.

Nag-ring ulit ang telepono.

Nakaingos pa ako nung sagutin ko yun, “hello?”

“Bruha! Ano na?!”

Nailayo ko pa sa tenga ko ang tekepono, parang nabingi ata ako sa lakas ng tinig ni Erma. Oo, si Erma nga yun. “Bruha, diyahe nga eh. Psh!”

“Ahy sayang! Oh siya, andito na boss ko, mamaya na lang ulit!”

*Toot toot*

“Umamin nga, nawala namang parang bola,” kausap ko sa hangin. Eeh! Ang ewan! Nakakainis naman kasi kung sino man yung tumawag, uwaah!

So, anong gagawin ko ngayon?

Wala naman siyang iniwang dapat gawin. Haysus!

***

Author: Mahaba-habang panahon din akong nawala eh nuh? Bwahehe.

Beyond my WonderlandBasahin ang storyang ito ng LIBRE!