BMW9

1.1K 46 9
                                    

[BMW9]

Lia’s POV

“Hello, nay? Nay? Kaw ba iyan, nay? Alam mo naririnig ko, nay? Ganito oh---‘ik ik oh ik uh ah eh ik ik oh,’---ganyan po, nay!” sira na talaga ng cellphone kong mas luma pa sa unang saya ni Maria Clara. Grabe talaga!

“Lia---“

“Teka lang, Sir Keene, wag kang magulo! Di ko na nga maintindihan sinasabi ni nanay, sumasabay ka pa... nay, hindi po kayo, nay! Ano? Ha?”

“Lia---“

“Makulit ka rin, Keene----teka, nay!---“ ala? “hoy! Bakit mo kinuha?!” para tuloy akong bata sa pag-aabot ng cellphone ko na nasa kamay ngayon ng bakulaw na si Keene, tinaas pa niya kaya di ko talaga maabot. Tumalon talon ako, wa epek pa rin, “sakalin kita sa ngala-ngala, sir, akin na yan! May sinasabi si Nanay!”

“Kanina pa kita tinatawag, di mo na nga maintindihan ang kausap mo dahil sa bulok na cellphone mo, di mo pa rin ako pinansin. Here,” iniabot niya sa akin ang cellphone niya, TATSKREN! Tatskren talaga! “tawagan mo na ang nanay mo, maraming load yan.”

“Wow! Thank you! Pero wag mo ng asahan na may load pa ito pagbalik sa iyo, telepono ang tatawagan ko, nakitawag lang si nanay eh!”

Tinalikuran ko na agad siya at nag-dial sa cellphone. “Paano ba to?” nakakashunga naman palang gamitin  yun. “Hayun!” –ring ring- “Hello, nay? Si Lia to, nay!”

“Lia! Kaw ba yan hane? Naku bata ka! Naku talaga!”

“Nay, anong problema? Napatawag ka? Nasa trabaho ako, nay.”

“Puntahan mo nga muna si Iyyam sa eskwelahan, may isang parent na nagsabi sa akin na pinapatawag daw ako ng adviser ni Iyyam. May inaway daw!”

Napataas ang kilay ko, “nay, di po nakikipag-away si Iyyam---“

“Ngayon pa nga lang kung nagkataon. Siya, hane, puntahan mo na lang ah? Di ako pwede, may meeting sa barangay.”

*Toot toot toot*

Ano ba yan! Di pa nga ako tapos sa module na pinapabasa ni Keene eh tapos heto at uutusan pa ako. Ngayon lang nakipag-away si Iyyam. Mabait yun eh, suplada nga lang.

“Sir, ano po...” sugat-sugat na siguro ang siko ko kasi kanina ko pa kinakamot-kamot, “mag-e-excuse lang po sana ako, sir...” kamot ulit.

“Bakit?”

“Pupunta po sana ako sa school ni Iyyam, sir---pero wag kang mag-alala, sir! Di ako makikipag-date... pwera na lang kung makasalubong ko either si Devon or si Arc, para maenjoy naman ang travel papuntang school ni Iyyam, hehehe.” Nakuha ko pa siyang biruin.

“Ihahatid na kita.”

“Eh?”

Nakatunganga na lang ako ng lagpasan niya ako. Hanu daw?

“Lia, halika na.”

So, lumingon ako. Nandun na siya sa pinto at heto ako, parang tuod na nakatayo. “Opo, opo. Nandyan na po,” kinuha ko na ang bag ko. Humabol ako sa kanya.

Sa school...

“Bakit ba, ha? Makikipag-sapukan ka na nga lang, sa anak pa ng teacher, di mo man lang pinili ang ka-level mo,” sermon ko kay Iyyam habang naghihintay ng tawag ng principal, “heto ka oh, tapos eto siya,” minuwestra ko ang kanang kamay ko na mas mataas at mas mababa naman ang kaliwang kamay ko, “ito ka, tong kaliwa... siya naman, itong kanan, kaya mo bang abutin siya, ha? Lupa ka, Iyyam, puno siya! Di mo keribels! Hanggang damo ka lang ee!”

“Ate, naman eh! Chill ka lang, kakayanin ko to, magaling ako.”

Bigwasan kitang bata ka eh!

“Waah! Yan! Ang tigas ng ulo mo!” kanino ba nagmana ang batang ito?!

May humawak sa balikat ko. “Lia, hayaan mo na ang bata.”

“Kita mo, ate, kinakampihan pa ako nitong boss mo,” tiningala ni Iyyam si Keene, “okay ka, tanggap na kita.”

“Nakuuuh! Naghanap pa ng kakampi!” makakalbo na talaga ako sa konsumisyon.

“Miss Lia Montesaryo and Alliyah Montesaryo, come on in, please,” dumungaw sa pintuan ng principal’s office ang secretary ng principal tapos nawala din agad.

“Oh, ate, pasok ka na daw,” tinulak pa ako ni Iyyam.

“Bakit ako? Ikaw! Alphabetically arranged dapat, ‘A’ ka, ‘Alliyah!’ Sige, dali,” siya naman ngayon ang tinulak ko.

“Eh ikaw ang unang tinawag at hindi ako, pasok na, ate,” tinulak na naman niya ako.

Aba? “By age daw, mas bata ka. By height din daw, mas maliit ka. By ugali pa, mas suplada ka, sige dali!”

“Magkapatid ba talaga kayo o ano? Ako na nga ang mauunang pumasok,” ginilid kami ni Keene.

“Oh, nauna na siya, sunod ako, mahuli ka na,” at nakipag-unahan ako sa pagpasok kay Iyyam.

“Sino ang relative ni Iyyam sa inyong dalawa?” tanong nung matandang naka-eyeglass na marahil ay ang principal na nina Iyyam.

Tinaas ko ang kanang kamay ko, magkaharap kasi kami ni Keene, “ako po.”

“So, you’re the father?” tanong ng principal kay Keene.

“Hep! Ano po? Ate po ako ni Alliyah at hindi nanay!” pagkamalan ba kaming MAGULANG?!

“Ah, I’m sorry, so, to begin with blah blah blah...”

Ang daming sinasabi, isa lang naman naintindihan ko---nakipag-away si Iyyam kasi sinabihan daw siyang malas. Errr. Kahit naman siguro ako sabihan ng ganun, talagang babalatan ko ng buhay ang nagsabi nun tapos papaliguan ko pa ng tubig dagat para solve na solve!

Lumabas na kami ng office. Di naman nagalit si Principal, kasi mas matagal pa niyang shi-nake hands si Keene na nangakong magdo-donate kesa sa akin. Ang unfair! Sayang-saya pa yung matandang yun!

“Okay na?” tanong ni Keene sa akin.

“Hatid lang natin si Iyyam sa room niya, baka kung sino na naman ang mabasag nito,” hawak ko sa kaliwang kamay si Iyyam habang sa kanan naman si Keene. So para na talaga kaming pamilya nito.

Ang epal mo, Lia!

Nahatid na namin si Iyyam tapos pumunta na kami sa parking lot, “sir.”

“Hmm?”

“Kinilig ka nung pagkamalan kang ama ni Iyyam noh?” kumindat pa ako sa kanya.

Nangunot naman ang noo niya, “what kind of question is that?”

“Sus! Charing lang yun.”

“Ugh, puro ka ka kalokohan, Lia.”

Para namang di kinilig, namumula na nga eh <3

***

Author: Nasasanay na ba kayo sa format ng story ko (dito lang sa BMW)? Hahaha. Laging may Author’s Note sa hulihan kahit non-sense naman. XD Ayoko kasing gumawa ng sariling chapter para lang sa author’s note ee! Yun langsss! Magpa-private na ako ng chapter kapag nakapost na ako ng BMW10.

Beyond my WonderlandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon