BMW46

781 24 8

[BMW46]

Lia's POV

Tumingin ako sa wrist watch ko for the nth time.

Last time I checked, 12:36 pm na.

Ngayon, 01:12 pm na.

And guess what, di pa ako nagla-lunch kasi di pa dumarating si Keene!

Nag-aayos ako ng mga papers sa mesa niya, "walang hiya kang lalake ka," pagmamarakulyo ko. Humarap pa ako sa salamin na nasa desk niya, alam kong may camera sa likod ng salaming iyon pero wala akong pakialam, "maghanda ka sa akin, mag-enjoy ka diyan sa babae mo!" tapos pabalagbag ko iyong binitiwan.

Naghintay ako ng text niya, alangan namang ako ang maunang magparamdam nuh? Kay swerte naman niya kung ganun!

Huh!

Tumawag ako sa sixth floor.

"Hello?" sabi ko agad. "Erma, bakla, samahan mo naman akong mag-lunch!"

"Ha?" *singhot singhot* "Ano kasi, katatapos ko lang din..."

"Umiiyak ka ba, bakla?" nangunot ang noo ko. Si Erma? Iiyak? End of the world na ba?

Nag-chuckle siya sa kabilang linya, "hindi ah! Allergy lang to."

"Oh sige na nga, thank you na lang," pero sa totoo lang, hindi okay sa akin. Wala akong kasabay mag-lunch! Argh!

Pero kung akala nila na buburuhin ko ang sarili ko sa pag-upo doon at maghihintay na mamuti ang mga mata ko, pwes, nagkakamali sila! Magyayaya ako ng kasama kong kumain sa LABAS!

Nag-dial ako sa phone ko, "yah! Uy!"

"Buti naman tumawag ka."

Napangiti agad ako sa sinabi niya, "pwede mo ba akong samahang kumain?"

"Sure! Ikaw pa, saan ba?"

At sinabi ko na kung saan kami pwedeng magkita.

Nag-time out na muna ako bago kinuha nag bag ko at nagtungo na sa tagpuan namin ni Devon.

Pagkadating ko dun ay agad siyang tumayo tapos ipinaghila niya ako ng upuan.

"Akala ko talaga hindi na kita makakasabay kumain, buti na lang di pa ako nanananghalian eh."

Ngumiti ako, "ako nga rin eh, kung alam mo lang kung gaanong pagpapakalma ang ginawa ko sa mga alaga ko sa tiyan. Order na tayo, gutom na ako eh."

Nung dumating ang order namin ay wala na kaming imikan ni Devon. Ni hindi ko siya magawang tignan. Kung bakit ba naman kasi siya pa ang naisipan kong yayaing mag-lunch.

"Look up here, bitch."

"Huh?" nangunot ang noo ko taz alam kong may sauce pa ng spaghetti sa gilid ng labi ko. Nakita ko si Silvermist. "Ano ba yan?" angal ko ng kumislap ng kumislap ang hawak niyang camera.

"What are you doing, Miss Matteo?" mataas ang tono ni Devon na tumayo pa at pinigilan ang kamay ni Silvermist na kumukuha ng picture naming dalawa ni Devon. "Will you stop that!"

"What, Devon?" parang nakakalokong sabi ni Silvermist, "do you like this girl also? What's with her? Flat-chested," napahawak ako sa hinaharap ko, "coarse hair," tinignan ko naman ang buhok ko, "chappy lips," pinakiramdaman ko ang mga labi ko sabay pasimpleng pinunasan ang spaghetti sauce sa labi ko. "Look at her, no manners, like she's not educated!"

Sa lakas ba naman ng tinig niya, sino bang hindi mapapatingin sa amin?

"Makalait naman to!" di ko maiwasang sabihin.

"Why?" humarap siya sa akin at hinaklit ang kamay niya kay Devon, "this picture," she flashes the camera to me, "will prove that you're playing. And Keene," tumawa pa siya, "oh, good Keene, will be mine... AGAIN. And you," turo kay devon, "and you," turo sa akin, "will---"

"Ituloy mo at bubutasan ko yang noo mo," hinila ko ang braso niya, napatayo pa ako.

"Of course I will! And let me go, your hand is dirty!"

"Di bale ng madumi ang kamay wag lang madumi ang ugali," naningkit ang mga mata ko sa kanya, "subukan mo kaming sirain at hindi ka na muling sisikatan at lulubugan ng araw."

Maarteng pinalo niya ang mga kamay ko, "like duh? Let's see!" at nag-walk out na siya, nakataas pa ang camera niya na parang sinasabing may patunay siya.

"Lia, everything will be fine, kumain ka na," pagpapakalma sa akin ni Devon.

"And wait, bitch."

"Ano na naman?!" napatayo ulit ako kasi bumalik si Silvermist. Bwisit na babae to, di pa kasi sinabi lahat kanina.

"Keene did not meet you kasi nag-usap sila ni daddy, I dunno. Hmm, lemme give you a clue, our wedding." At doon na siya tuluyang umalis.

"Aba't?" nahawakan ko na ang baso ng tubig na ibubuhos ko sana sa kanya kaso napigilan ako ni Devon. "Babaeng yun akala mo naman pagka-sexy sexy."

"Relax."

"Makapag-relax ka pa kaya? Psh!" tinuloy ko ang pagkain ko.

Napaka-walang hiyang babaeng yun. Manira ba naman ng moment! Kahit yata saan ako pumunta, sinusundan niya ako eh!

"Phone mo, nag-ri-ring ata," sabi niya sa akin.

"Ahy," sinagot ko ulit yun, "hello? Ha? Oo, babalik na ako, saglit lang."

"Keene?"

"Uh-uh."

"Ok, ihatid na kita."

***

Author: Bilang ako'y madamot na nilalang, ang mga huling chapters ng akdang ito ay PRIVATE na lamang! XD No need to fan me, ilalabas ko po sa site ko yung mga naka-private, gaya na lang nung POV ni Keene na pi-nrivate ko. XD Kaso, you need to wait for eons. XD Chus! :">

Private chapter BMW48, sa external link po. Baka di ma-access eh. And oh, gusto kong i-public kaso ayaw ee. :"> Sana maintindihan niyo.

Beyond my WonderlandWhere stories live. Discover now