BMW24

865 37 11

[BMW24]

Lia’s POV

“Akala naman kung sinong gwapo,” pinagpag ni Keene ang unan niya at binagsak sa sahig na nilagyan niya ng kumot, “hindi naman macho,” patuloy pa niya.

Nakahiga na ako sa kama at nakatalikod sa side kung saan naroon si Keene.

Actually, kanina pa talaga siya salita ng salita at hindi ko alam kung bakit. Di naman ako makapagsalita kasi nga di ako makarelate sa topic niya.

“At yung isa naman diyan, gustung-gusto pa... kinikilig eh.”

Aisht di na ba talaga siya titigil?

“Nasasarapan pa sa pakikipag-usap.”

Hindi na ako nakatiis, sumilip ako sa ibaba, “may problema ka ba?”

“Ay ngayon nagtatanong siya kung may problema ako. Aisht!”

So, ako nga ang problema niya.

“Ano ba?”

“Ano daw ba?”

Kaloka! “Alam mo, Keene, tulog lang yan, okay?” humilata ako sa kama at nakipagtitigan sa kisame.

“Ano bang meron kay Devon?”

Pinagsasabi na naman niya?

“Pinagkakatiwalaan mo siya masyado.”

Lia, kapag sumagot ka, wala ding patutunguhan kaya keep quiet na lang, okay?

“Hindi naman siya bagay sayo.”

“Aba’t sumusobra!” napabalikwas ako at dinuro siya sa baba. Agad kong hinila ang kumot para takpan ang damit ko. Sabagay, naka-loose t-shirt naman ako at may brassiere pa rin naman kaso naka-shorts lang ako.

“Talaga naman ah,” nakahiga siya at nakikipagtitigan sa akin.

“Ano bang problema niyo nina Devon?” nag-isip ako, “at nina Arc?”

“Hindi mo ba talaga alam?”

“Maganda ako, alam ko yun.”

“Aisht. Ang hina.”

“Ang labo mo rin naman kasi.”

Nakipaglabanan ako ng tingin sa kanya.

Yung tipong parang nakakapanghina yung mga titig niya...

Yun nga...

Gusto kong makulong sa yakap ni Devon.

Gusto kong makita mga ngiti ni Arc.

Tapos wag na lang kaya yung kay Keene?

Ugh.

Di kaya pwedeng paghalu-haluin ko na lang sila sa iisang tao?

Brr!

Napaka-assuming ko talaga kahit kailan!

“Antok lang yan,” sabi ko at nahiga na, “matulog ka na.”

Mag-aapat na araw na kami dun. Enjoy naman kahit papaano. Hindi ko nga alam kung bakit enjoy eh wala naman akong naiintindihan sa mga usapan kapag may conference at kung anu-ano pa.

“Usog ka nga,” tumayo siya at kipkip sa magkabilang kilikili ang unan at kumot niya.

O.o

“Bakit?” tanong ko.

“Ayoko an sa sahig, kung gusto mo, ikaw sa lapag at ako sa kama.”

“Wow, ang gentleman,” sarkastikong sabi ko at umisod. “Kaloka ka, wag kang lalapit, ito ang boundary,” sabi ko at nilagyan ng unan ang pagitan namin, “wag ka ring titingin, bawal.”

“Hindi ikaw yung babaeng titignan ko noh. Matulog ka na nga, ikaw pa yata ang mas inaantok sa atin eh.”

Pumikit na lang ako kesa kausapin pa siya.

“Lia---“

“Wag mo rin akong kakausapin.”

“Yung lampshade, patayin mo, assuming.”

Eh?

“Ok.” Pinatay ko nga. Tapos mahinang napahagikgik ako. Dahil madilim naman na, ok na akong humarap sa kanya. Eh bakit ba, di na ri  naman niya malalaman eh. Unti-unti bumaling ako.

Sheez. Tanga ko.

Madilim nga eh. Paano ko siya makikita?

“Lia...”

“Hmm...” kunwari tulog na lang ako.

“Bakit ka humarap?”

“H-ha? Hindi ah!”

“Sinungaling, I can see your eyes.”

Agad akong tumalikod sa kanya.

Takte naman, nasaan ba ang utak ko!

***

Author: Keri pa? Keri! XD

Beyond my WonderlandWhere stories live. Discover now