BMW55: The not-so-grand FINALE

1.2K 57 25
  • Dedicated kay Everybody who reads this
                                    

[BMW55]

Lia’s POV

Inalalayan ako ni Silvermist. Pumasok kami sa ikatlong pinto.

“Sorry madilim ha? Pasok ka na lang tapos hanapin mo yung switch, nasa tabi lang yun ng kama, di na kita masasamahan kasi may naghihintay din sa akin sa baba,” paliwanag niya.

“Sabi ko naman kasi sa yo, umuwi na lang ako eh, kita mo, nakaabala pa ako.”

“No, if it is for your own happiness, I’m into it.”

“Ha?”

Hindi na siya sumagot bagkus ay tinulak na niya ako papasok at sinara ang pinto.

Ang dilim nga.

Nakikiramdam na naglakad ako. Siguradong nasa gitna ang kama. “Switch, magsalita ka naman oh!” sabi ko para mabawasan ang sobrang takot na nararamdaman ko. Paano kung may multo pala dun?

Lagot!

Nagha-hum na ako, medyo nawawala na rin ang hilo ko.

“Aray, aw,” napamura ako ng mahina. Pero napangiti rin agad, bumangga ako sa kama. Sa kama, ibig sabihin, malapit na ang switch.

Sumampa ako sa taas ng kama.

Napatigil ako.

Bakit parang di ako mag-isa?

Ikinapa-kapa ko ang kamay ko.

May tao!

May tao sa taas ng kama!

Ahh!

“Sino ka?!” sigaw ko sabay tayo.

Lumayo pa ako.

Pilit kong inaaninag ang imahe. May tao nga!

“Ako ang mahal mo,” at bumaha ang liwanag sa buong kwarto.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Keene na nakahiga sa kama, nakaunan pa siya sa braso niya at nakatingin sa akin.

Natameme ako.

“Cat got your tounge?” nakangising sabi niya.

“Aalis na ako,” sabi ko at tinungo ang pinto. Pinihit ko ang seradura pero ayaw bumukas, “sh*t.” Pinilit ko pa ring buksan yun.

“Hey, here’s the key,” sabi ni Keene.

Lumingon ako sa kanya. Nilalaro niya sa daliri niya ang susi. “Bakit ka may susi? Bakit nakasara ang pinto?”

“You want the keys?”

“Give that to me!”

“Not too fast,” sabi niya at bumangon, nagtungo siya sa terrace.

“Saan ka pupunta?!” humakbang ako palapit.

“Itatapon ang susi.”

“No!” bago pa ako makatutol ay binato na niya sa ibaba ang susi.

“Kung gusto mong makalabas, hayan ang terrace, tumalon ka na lang at humandang mabalian ng buto o di kaya mabasag ang ulo mo.”

Tinignan ko siya ng masama.

Bumalik ako sa pinto. “Hey, anybody there? Can you open the door please?” kumatok-katok pa ako.

Beyond my WonderlandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon