Nandun na naman kasi ang mga nag-e-‘entertain’ na mga lasenggo sa amin, lagi silang kumakanta kahit wala naman sa tono. Makakapal lang talaga ang mga mukha nila.

“Ganun ba?”

“Oo, wala bang ganyan sa inyo? Kumbaga sila yung radio ng buong barangay, nawawala nga lang yung signal kaya sintunado,” tinaas-taas ko pa ang kilay ko sa kanya.

“Ngayon lang ako nakawitness ng ganyan eh.”

“Gusto mo bang kumanta? Dadalhin kita dun mamaya, maghanda ka nga lang kasi kukotongan ka ng mga damuhong yun. Lika na, pasok muna tayo ng makilala mo ang mga kapamilya ko.”

“Ate Lia!” hayan, di pa man kami nakakapasok, andito na ang bubwit ng pamilya.

“Kapatid mo?” tanong sa kin ni Devon.

Lumapit kami sa pinto, awtomatikong nagsara si Iyyam sa pinto.

“Sino ka? Anong ginagawa mo dito? Kaanu-ano ka ng ate ko? Asan yung boss niyang matanda? Bakit ikaw kasama niya?”

“Sigurado ka bang bata ka lang?” natatawang tanong ni Devon kay Iyyam.

“Iyyam, alis nga jan, sinisindak mo bisita ko eh,” pinapasok naman kami ni Iyyam pero sinusundan niya lahat ng galaw ni Devon.

“Dito ka muna, magpapalit lang ako, okay?” sabi ko kay Devon. “Iyyam, behave.”

Pag-alis ko ay narinig kong nagsimulang interogahin ni Iyyam si Devon, kahit kailan talaga ay maaari ng maging detective ang kapatid ko.

Pumasok na ako sa kwarto. “T-shirt tapos half pants? Yuck lang, di pwede, di magagandahan sa akin si Devon... hmm... eto na lang kaya? Magbebestida ako? Malayo pa ang flores de mayo. Bahala na nga!” so gaya ng suot ko ng hinatid ako ni Keene sa bahay, ganun din ang sinuot ko.

Paglabas ko ay good vibes na sina Iyyam at Devon.

Good, si Keene nga noon, di makuha ang loob ni Iyyam pero si Devon, nagpalit lang ako ng damit, oks na oks na sila.

“Iyyam, sabihin mo keh nanay nagpunta lang kame sa lasenggahan slash inuman ah, pakakantahin ko lang ng videoke tong si Devon,” paalam ko kay Iyyam.

“What? Hindi na!” angal ni Devon.

“Sama ka na, dre, masaya dun. Kung may magbabantay nga lang dito sa bahay, malamang sumama pa ako sa inyo at magchi-cheer ako,” tinulak pa ni Iyyam si Devon patayo.

No choice na si Devon, tumayo na siya.

“Bakit ba kasi pupunta pa tayo? Wala akong talent sa pagkanta, Lia,” napakamot pa sa ulo si Devon.

Ang awkward pa ng suot namin, naka-long sleeves siya tapos slacks, halatang kagagaling din niya ng office tapos ako ay nakapambahay lang. Pinagtitinginan tuloy kami.

“Keribels, subok lang naman para hindi yang nakakasawang lasenggong iyon ang naririnig ng mga kapitbahay,” tinapik ko pa siya sa balikat tanda ng suporta ko sa kanya.

“Oy, mga pare! Tignan niyo, si Lia oh!” kulang na lang ay magpapista ang mga lasenggong yun ngayon, mula kasi nang magkatrabaho ako ay hindi na ako nagagawi sa parteng iyon ng barangay namin. Binansagan pa man din akong ‘videoke princess’ sa lugar namin.

Tinaas ko ang palad ko sa kanila, “thank you, thank you!”

“Nagdadalaga na si Lia, oh, may kasama siyang dollars!”

Beyond my WonderlandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon