Kontento

1.2K 47 50
                                    


06-07-18

Marami akong gustong sabihin pero hindi ko masabi?? Yehey HAHAHAHAHAHA

Apology ulit? HAHAHAHA kasawa beh kaya wag na.

Mangangamusta nalang ako. Kumusta kayo? Kumusta love life? Ako? Ay wag na nating isipin HAHAHAHAHAHAHA

Should I cut my hair? 🤣🤣 (Legit to please answer🤣)

Ang random sorry ha 🤣 (Sorry, sorry, puro nalang sorry!) So, hindi ko po talaga alam kung san nanggaling ang lahat ng sinulat ko sa baba. Mag real talk tayo, is it getting repetitive? Kasi seriously, for someone who spends hours on end day dreaming, I'm running out of things to write. And that makes me so freaking sad and angry at myself. I can't promise anyone consistent updates, but I also can't promise fresh new ideas for every single one. I need inspo and lots of new strings to pull. I should read more, huh?

----------------------

"Kain ka na." Mahinang untag ni Kathryn nang marinig ang pagpasok ng asawa sa kusina.

Sunod niyang narinig ang mabigat na pagkakahila ng upuan at ingay ng kubyertos.

Napalunok siya. Namimigat ang dibdib.

May nagbago na. Maraming nagbago.

Hindi na niya matandaan kung kailan siya nito huling hinalikan.

Niyakap.

Kahit nginitian o tinitigan.

Hindi nga niya alam kung pwede pa rin niya itong matawag na 'asawa'.

Kasalanan niya.

Tinuyo na lamang niya ang mga kamay gamit ang tuwalyita. "Ilagay mo nalang dito, a."

Nakaiwas ang tingin na tumango ito.

Huminga siya ng malalim.

Masasanay din siya.

----------------

Abala si Kathryn sa pagtiklop ng mga damit kaswal ni Daniel. Ang mga polo at pormal na kasuotan na ginagamit nito sa opisina ay naplantsa at naisabit na niya sa kabinet.

Ito lamang ang ginagawa niya araw-araw.

Pitong buwan na buhat ng pagkakaalis niya sa trabaho.

Para sana sa anak. Na hindi niya man lang naramdamang humihinga sa mga bisig niya.

Napahigpit ang kapit niya sa kamisetang nakatiklop.

Kailan ba mawawala ang sakit?

Tatlong buwan na mula noong araw na binawi sa kanya ang itinatanghal ng marami bilang biyaya.

Tatlong buwan na siyang nakakulong sa pagkakagalit sa sarili.

Kasalanan kasi niya.

Kahit sabihin ni Daniel, ng mga kapatid nito, at ng mga byenan niya na wala siyang kasalanan sa nangyari, wala namang ibang masisisi kundi siya.

Karapat dapat ang anak nila na mabuhay. Marami itong mapapasaya at mayroon itong pamilya na sabik na makapiling ito.

Bakit hindi man lang siya nabigyan ng pagkakataon na piliin na mabuhay ang anak? Bakit binawi nalang ng basta?

Bakit hindi nalang siya?

Wala namang masasaktan kung siya ang nawala.

Manginginom ang parehong magulang niya. Ng makatikim ng droga, nalulong na rin doon.

Fragments - KathNiel One ShotsWhere stories live. Discover now