AngYna

1.3K 31 12
                                    

12-31-15


Obvs a PSY fic.




Tirik na tirik ang araw sa kasagsagan ng kainitan sa maynila. Kanina pa ang pagpupunas ni Yna ng sariling pawis at kanina pa rin ang walang habas na pagpapaypay niya. Hindi rin nakatulong ang itim na kasuotan niya nang araw na iyon.

"Yna are you okay?" Pagtatanong ni Amor sa kanya at bagamat kanina pa niya tinatanggihan ang pagpapayo nitong umuwi na lamang siya, ay hindi na rin niya kinaya ang santing ng araw. Nahihilo na rin siya at parang may pumupukpok sa ulo niya sa sakit nito.

Sa pula ng mata ni Amor ay parang dapat niyang ibalik ang tanong into sa kanya.

"Tita, Hindi ko na kaya, sor--"

"It's okay, umuwi ka na, ipapahatid na kita."

Nang nasa sasakyan ay napatingin siya sa kalangitan. "Sorry David ha, babawi nalang ako sa'yo." At ngumiti siya ng mapakla.

-----------------------

Mahal kong Yna,

Pano 'ko ba sisimulan 'to. On the spot to eh o! Wala, natripan 'ko lang sulatan ka, kasi miss na miss na talaga kita e.

Hi Yna! Hindi mo naman siguro ako makakalimutan, hindi pa naman ganong katagal mula ng huli tayong nagkita. Kamusta ka na ba? Nawa'y maayos ang kalagayan mo diyan. Si David? Oo, medyo weird na itinatanong 'ko sa'yo ang kalagayan niya, e kasi aware naman ako sa nangyayari diba. Alam 'ko namang mahal mo yan, ako kaya mahal mo pa?

Siguro naman nabalitaan mong lumipat na kami sa probinsya ni Lia saka ni Papa. Masaya, masaya dito sa probinsya. Pero syempre, mas masaya nung kasama kita. Sariwa ang hangin, grabe ngayon lang ulit ako nakalanghap ng ganitong kasariwang hangin. Huli pa yata ay noong nandoon pa tayo sa Punta Verde.

Naaalala mo pa ba yon? Yun siguro yung pinakamasayang parte ng buhay ko. Naaalala ko pa nung magkasama tayong dalawa, kahit walang gawin basta kasama lang kita. Tinitingala natin yung mga stars natin, magkahawak ang kamay at pinagpaplanuhan ang future natin nang magkasama. Yun kasi yung mga oras na kahit maraming sagabal, kahit pa sinubok talaga tayo, nandito ka para samahan akong lumaban. Nakakaiyak lang, iba na ang sinasamahan mong lumaban.

Kung ako yung Angelo na seloso at possessive, pipigilan kitang sumama sa kanila. Pero hindi na ako yon, naiintindihan ko Yna. Siguro nga masama ang loob ko nung una, pero ganunpaman ay natutunan ko ring matanggap na ang babaeng minahal ko, Hindi makasarili, at ginintuan ang puso.

Yna, kung papano'y natutunan mo na rin talagang mahalin si David nang higit pa sa kaibigan, tatanggapin ko rin yon. Sino na lang ba ako, diba? Pero ano mang mangyari, sinasabi ko sa iyo na mahal na mahal kita, at hindi na kailanman pang magbabago iyon, dahil ikaw lang, ikaw lang talaga, Yna.

Alagaan mo ang sarili mo, at ako aayusin ko muna ang buhay ko. Hanggang sa muli nating pagkikita, kung pagtatagpuin pa tayo ng tadhana. Mahal na mahal kita, Yna Macaspac.

Lubos na Nagmamahal,
Angelo Buenavista


-----------------------

"Yna?" Napadako ang tingin niya sa nagsalita. "Oh, nay, kayo po pala. Napadalaw ho kayo?" Magalang niyang binati ang nanay Belen niya at nagmano siya rito.


"Bakit napaaga ka yata?" Sinagot nito ang tanong niya sa pamamagitan ng isa ring tanong. "Naku, ang taas po kasi ng araw, grabe ang init. Nahilo po ako kaya umuwi nalang ho ako, dadalawin ko nalang si David bukas."

Fragments - KathNiel One ShotsWhere stories live. Discover now