The Best Birthday

1.9K 37 0
                                    

11-2-13

THIRD PERSON'S POV

"Happy Birthday Kathryn."

"Happy Birthday Ate Kath!"

"Happy Birthday Kath."

Yan lang ang narinig ni Kathryn habang naglalakad siya sa Hallway. Nginitian nalang niya at nagmouth ng 'Thank You' o 'Salamat'.

"Happy Birthday Kathryn." Si Enrique. YUNG ULTIMATE CRUSH NIYA! Napatigil agad ang dalaga "A-ah e-eh. S-salamat, Quen" Nginitian nito si Enrique at tumalikod na. Pulang pula na siya.. ^///////////////////////^

'Crush ko pa lang yun, pano kaya kung yung mahal ko na diba? OMG. asdfghjkl. Baka mahimatay ako.' Naisip ni Kathryn

Pumunta muna siya sa may fountain, at nagulat nung nandun ang kanyang barkada. Lahat sila nakangiti except si Daniel na naka-headphones. Busangot ang mukha at badtrip na badtrip. Umagang umaga eh.

"HAPPY BIRTHDAY KATH!" Sabay sabay nilang sabi except for Daniel. Ano bang problema nito? Naisip agad nI Kathryn

------------------------------------------

"Aaaaaah! Parang ayoko na ituloy yung mamaya. LECHENG ENRIQUE YAN. Si Kath naman kinikilig pa. UGH! NAKAKASIRA NG UMAGA." Pabulong na sabi ni Daniel habang papunta sa School Garden kung saan nandoon ang fountain. Nandoon kasi ang barkada niya.

Padabog niyang binato ang backpack at umupo na katabi ni Diego at Kiray. "Oh Pare? Badtrip ka yata?" Tinapik pa ni Diego ang balikat nito at tumawa pa. Inirapan ni Daniel si Diego

"Woah pare. Chill. Uso magkento." Tumingin sila lahat kay Daniel. Kaya napatungo siya. "Si Enrique at si Kathryn. Ugh. Nakakasira ng umaga." Nagtawanan silang lahat.

"Tawa pa kayo? Pag kayo napagbuntungan ko ng galit eh." Ayaw na ayaw ni Daniel na pagtatawanan siya. Si Kathryn nga lang pinapayagan niyang pagtawwanan siya >.<

Napatahimik agad sila. "Eh ano pare? Tuloy pa yung plano mo mamaya?" Tanong naman ni Khalil. "Syempre. Aba, di ko na kaya itago to noh." Kinuha nalang niya ang headphones nang natanaw ko si Kathryn. 'Lapad ng ngiti. Ugh. -___-' Nakakunot noong bulong ni Daniel

"HAPPY BIRTHDAY KATH!" Sabay sabay nilang bati. Walang reaksyon si Daniel. Siniko naman ito nila Kiray at Diego.

"Ah. Happy Birthday." Nginitian niya si Kathryn tas tumayo na. 'Magpe-prepare na nga lang ako. Nabibwisit lang ako!' Desisyon ni Daniel

'Seryoso, anong problema nun? Hindi man lang sincere ang pagkakasabi niya. Ang sakit.' Naisip ni Kathryn. Napakagat labi nalang ito.

"Ahh. Salamat guys. Una na ko." Nginitian ni Kathryn ang mga kabarkada niya at umalis na doon. Nasasaktan siya. Sobra sobra. Dahil parang walang pakialam sa kanya ang taong mahal niya.

Birthday na birthday niya ay sawing sawi na ang puso niya. Napailing nalang siya. 'Asa ka pang mamahalin ka nun, Kath. Hanggang tingin ka nalang.' Naisip niya. That thought hit her. Talagang hanggan tingin nalang siya.

Nalungkot siya lalo sa naisip. Kahit mismong siya ay di niya maisip kung paano siya nainlove sa lalaking yun. Napaka-sungit, napaka-yabang at antipatiko nito, pero iyon lang ang mas lalong nagpahulog sa kanya.

Hulog na hulog na siya. Di na niya kayang pigilan. Masyado nang malalim ang nararamdaman niya para kay Daniel

"KATHRYN! KATHRYN! SI DANIEL!" Nagising lang siya sa katotohanan ng tawagin siya ng bestfriend niyang si Julia. Parang gumuho ang mundo niya. Bakas kasi sa mukha ni Julia ang pagaalala at takot. Kinabahan siya. Sobrang kinabahan siya.

Natataranta niyang nilapitan si Julia "Ano? Anong nangyari kay Daniel?!" Halos umiyak at maglupasay na siya sa sobrang pagkataranta niya. Ano bang nangyari sa mahal niya?

"Sa clinic. Si Daniel." Dali dali niyang hinila si Julia papuntang clinic. 'Daniel naman. Ano bang nangyari sayo? Diba sabi ko sayo, stay put ka lang sa puso ko?'

-------------------------------

"Oy ano? Okay na yung set up? Yung cake? Si Julia? Sinusundo na ba si Kath?" Kinakabahan at naeexcite si Daniel. Natataranta na nga siya eh. 'Kailangang perfect to. Para sa Kath ko.' Napangisi na lang siya sa naisip.

"Relax par--------" "AYAN NA SI KATH!" Agad namang napapwesto si Daniel. Ginulo niya ang buhok niya at hinawakang mabuti ang cake na hawak hawak niya. Nagdasal muna siya. 'Lord. Sana po di ako pumalpak. Sana di tumiklop ang dila ko.' Bulong niya at saktong pumasok si Kathryn.

Nagulat si Kathryn sa nakita. 'Sobrang kabado ko, eto lang ang madadatnan ko?' Isang nakangiting asong Daniel na may hawak na cake.

Kinuha niya ang cake at pinatong sa mesa. At saka pinagpapalo si Daniel. "Nakakainis ka. Ang Epal epal mo!"

"Uy Kath! Bat ka naiyak?" Nag-aalalang tanong ni Daniel. Di ba nito nagustuhan ang surpresa niya? Kulang pa ba?

"Sobra mo kong pinakaba! Tas susurpresahin mo lang akong ganito ha? Walang hiya ka! Alalang alala ko sayo!" Napangiti si Daniel dito. Nag-aalala sa kanya si Kathryn?

"Ngingiti ngiti ka pa diyan! Gagi ka. Muntik na ko himatayin sa sobrang kaba. Baka di pa kita mapakasalan!" Namula si Daniel sa sinabi ni Kathryn. 'Di pa niya ko mapakasalan?' Lalong lumapad ang ngiti ni Daniel. Kinikilig siya. Sobrang kinikilig siya.

Niyakap niya ito at nagpupumiglas pa nga, pero hinayaan na lang niya. "I love you Kath." Sa wakas, nalabas na rin niya ang gusto niyang sabihin matagal na. Parang nawala yung bigat na pasan pasan niya sa mga balikat niya. Nakahinga na siya ng maluwag.

"Mahal Kita. Di ko alam kung kelan, di ko alam kung saan, di ko alam kung bakit. Basta ang alam ko, mahal kita. Nagising nalang ako, mahal na kita. Di ko hinihingi ang sagot mo ngayon, pero atleast, give me a chance to love you. Kahit yun lang, okay na 'ko." Hindi umiimik si Kathryn sa sinabi ni Daniel. Buong akala niya, di siya mamahalin kahit kelan ng taong mahal niya. Pero mapag-laro nga naman ang tadhana.

"Mahal din kita Daniel" This time, si Daniel naman ang natahimik. Ano daw? Seryoso? "Di ko din alam kung kelan,saan,at bakit. Basta, Mahal kita. PERIOD!" Niyakap siya ng mahigpit ni Daniel.

"Di mo alam kung gaano mo ko napasaya Kathryn. Akala ko si Quen ang mahal mo." Napatawa si Kathryn "HAHA. Kaya naka-busangot mukha mo kanina? HAHA. Uyyyyyy! Nagseselooooooos!" Kumalas pa ito sa yakap at sinundot sundot ang tagiliran ni Daniel. 'Ganun pala to magselos. Ang cute!' Naisip ni Kath.

"He. Ano naman? At least ngayon, alam ko nang akin ka na. Di na sila magtatangkang lumapit sayo." Binelatan pa siya nito. Walang katapusang asaran.

The best Birthday she had in years. Dati rati ay may kaunting salu-salo ay masaya na siya, ngayon pa kayang kapiling niya ang mahal niya?

(A/N: Salamat sa pagbabasa!)

Fragments - KathNiel One ShotsUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum