Nag-Iisa Lang

1.9K 47 8
                                    

6-10-16

Wala nang kahit na ano pang nanaisin.

-------------------

"Matapos nito....... hindi niyo na guguluhin ang kumpanya nila Daniel?" Nanginginig ang kamay niya habang nangingilid ang luha. Hindi niya lubos isiping aabot siya sa ganito.

"Oo...... tutulungan ko pa nga siya, mataon na maikasal kami." Humugot na lamang siya ng malalim na hininga.

Para ito kay Daniel.... at sa lolo niya.

Nakapikit na hinigit niya ang tseke. Limang milyong piso.

Ipinagpalit niya si Daniel sa limang milyon.

"Good, pirmahan mo itong kontrata para masiguro kong Hindi ka na babalik pa, kailanman."

"Oras na malaman kong sumusubok kang lumapit, magbabayad ka. Doble nitong ibinigay ko sa iyo, at kung talagang makapal ang mukha mo, hulaan mo nalang ang maaari kong gawin sa iyo." Umismid siya at pinirmahan nalang ang kontrata.

"Nice working with you. Sabi na nga ba, isa ka talagang mukhang pera."

---------------------

"Kailangan ako ng pamilya ko, Daniel."

"Kailangan rin kita, Kathryn." Napatigil siya dahil doon. Sana'y hindi nalang siya naabutan nito. Sana nalang ay nakaalis siya ng walang paalam, dahil sobrang sakit mag paalam.

"You're gonna find someone....better than me." Ngumiti lamang siya.

"Bakit ba Hindi mo maintindihan?! Ayoko ng iba! Ultimo better, ultimo best, I don't fucking care! Mahal kita! Mahal na mahal kita kahit tangina ang sakit sakit! Hindi ko maintindihan! Naguguluhan ako! Ipangako mo lang na babalik ka! Iyon lang naman...." Tumingala siya para pigilan ang mga luhang nagbabadya.

"Babalik ako." Naiiling na sabi niya, "Isang taon..... kung hindi ako bumalik...... Hindi na talaga ako babalik kailanman."

Tuluyang umagos ang luha niya ng yumakap ito sa likod niya.

"Mahal na mahal kita." Nanglalambot na hinarap niya si Daniel. "Mahal na mahal rin kita."

At sapat na iyon para kay Daniel.

Para rin sa kanya.

"Ipangako mo, Daniel." Tinignan siya nito sa Mata. "Pagtapos ng isang taon, at Hindi mo nakita ultimo gahibla ng buhok ko, kakalimutan mo na ako. Magiging masaya ka, maghahanap ka ng babaeng kaya kang panindigan at hinding hindi ka iiwan." Umiiling si Daniel habang patuloy siyang nagsasalita.

"Huwag mong iasa sa akin ang kasiyahan mo..... kailangan ako ng pamilya ko, at tiyak na tiyak kong mayroon pang ibang kayang ibalanse ang pamilya at sariling kasiyahan."

Pero nilimot muna nito iyon.

"Ika dalawampu't apat ng Mayo sa susunod na taon.... maghihintay ako buong araw.... sa una nating pinagkitaan."

Nasasaktan siya. Pero wala siyang magagawa. Dapat na iyon.

Para kamuhian siya ni Daniel at pagpasiyahan nitong pakasalan nalang si Bianca at sumunod sa magulang.

Tumango siya.

------------------

"Lolo." Sa wakas ay nakita niyang muli ang nagsilbing magulang buhat ng maulila sa mga tunay na magulang.

Ang Lola niya ay pumanaw na rin kamakailan.

Ngayon ay tila nagbabadyang iwan narin siya ng nagiisang natirang kapamilya.

Fragments - KathNiel One ShotsWhere stories live. Discover now