Kislap

1K 38 6
                                    

12-25-17

MERRY CHRISTMAS!

Sorry ulit. Wala talaga akong maisulat! Bakit ganon!

Anyways, as the year is coming to an end, I'd like to take this chance to say thank you. I know, I did not update as much as I did the past years, but the support up to now is something I'm really really thankful for. Babati na rin ako ng HAPPY NEW YEAR kasi di ko alam kung may maisusulat ako. HAHAHAHAHA.

-------------------------

Iniharang ni Kathryn ang isang kamay ng tamaan ng sikat ng araw ang mukha niya. Ngunit hindi lamang iyon ang nagiisang dahilan kung bakit nagising siya.

Nakagat niya ang labi ng dumungaw ang asawa mula sa ilalim ng kumot. Nakangiti, nanunukso, nangaakit.

"Ang aga mo." Mahinang reklamo niya, bago sinandal ang sarili sa headboard ng kama. Namumulang hinigit niya pataas ang kumot upang itago ang sariling katawan.

"Nagugutom na ako." Inis na aniya ng muling gumapang ang kamay ni Daniel pababa sa magkabilang bewang niya. Naramdaman niya ang labi nito sa bandang tiyan. "Ako rin."

Umikot ang mata niya ng mapagtanto ang ibig sabihin nito. "Masasapak kita pag hindi mo ako pinagluto ng singanag ngayon din."

Dali dali itong tumayo. Matapos makapagbihis ng pangibaba ay dumukwang upang halikan siya ng mabini sa labi. "Good morning."

Ngumiti siya. "Bilisan mo, ha. Gutom na kami."

"Gutom na ang mga baby ko." Ani nito. "Bibihisan ba kita? Gusto mo kalungin kita pababa?"

Fragments - KathNiel One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon