Paano ba?

1.5K 31 7
                                    

4-10-15

-Kathryn-

"Uy, ikaw pala." Bati ko ng makita ko siya.

"Kath! Musta? Upo ka!" Alok niya pa na hindi ko naman tinanggihan.

"Oks naman. Buhay pa. Ikaw?" Tumawa siya habang nailing.

"Hay, kahit kelan talaga ikaw no? Di ka pa rin nagbabago."

Ano ba Daniel. Wag ka ngang magthrowback.

"Ah. Hehe." Nasabi ko nalang. Awkward 'man bi!

"Ay! Sige Kath, kelangan ko na umalis. Bye!"

At ngumiti ka pa 'sakin. Ano ba yan.

----------------------------------

(Twitter set up)

"@bernardokath: 'Pano ba?"

Nagulat ako ng may nagreply agad.

"@DaWhat: @bernardokath: 'Pano ang alin?"

"@bernardokath: @DaWhat 'Pano makalimot?"

"@DaWhat: @bernardokath Ay! Hirap naman niyan!"

Kung madali naman ay magagawa ko. Eh kaso hanggang ngayon, di pa rin e.

"@bernardokath: @DaWhat Yun nga e. Mahirap."

"@DaWhat: @bernardokath Kailangan ba talagang kalimutan? :)"

Oo nga naman. Kailangan ko ba siyang kalimutan?

"@bernardokath: @DaWhat Masakit na masyado e."

"@DaWhat: @bernardokath Ah ganon ba?"

"@bermardokath: @DaWhat Yea."

"@imdanielpadilla: Wag. Wag muna."

Nagulat nalang ako ng magtweet si Daniel. Eh? Hindi naman nagtitweet yan e!

"@DaWhat: @bernardokath Hindi ko rin alam e."

"@bernardokath: @DaWhat Diskarte yata. Ilang beses ko nang sinubukan ayaw e."

"@DaWhat: @bernardokath Baka hindi pa ngayon ang tamang oras. :) Night!"

Huh? Ganon ba yon?

"@imdanielpadilla: I promise, I'll make it right."

Napailing nalang ako. Gulo parin.

------

"@DaWhat: You don't have to forget, You just have to accept and move on."

"@bernardokath: @DaWhat Ganyan ba dapat kong gawin? Tanggapin nalang?"

"@DaWhat: @bernardokath Siguro."

"@bernardokath: @DaWhat Ang hirap din tanggapin, 'eh."

"@DaWhat: @bernardokath Soon."

#confused

---------------

"Pano ba?" Napatingin ako sa nagsalita. Daniel.

"Ang alin?" Ngumiti siya ng mapakla bago tumingin 'sakin.

"Pano ba kita mapipigilan?"

"Ha?"

"Wag Kath. Wag mo naman ako kalimutan." Alam niya. Alam niya at narito siya ngayon, pinapakiusapan ako na wag 'ko siyang kalimutan.

"Hindi ba parang ang unfair non? Kinalimutan mo na ako, diba Daniel?"

"Ikaw? Kakalimutan ko?" Umiling siya, "Nagpapatawa ka ba, Kathryn? Naririnig mo ba ang sarili mo?"

"Hindi ba totoo?" Napalunok nalang ako ng maramdaman ko ang tingin niya sakin.

"Bakit ko kakalimutan ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko?"

"Kung may kakalimutan man akong tungkol sa'yo, 'yun siguro yung pagbitaw mo." Umiling siyang muli. "Nakakainis, kahit 'yun kasi, klarong klaro 'parin sa isip ko. Hanggang ngayon, ang sakit sakit 'parin."

"Sorry," Yun lang ang nasabi 'ko. "Sorry, Daniel."

"Ayan na naman, handang handa na naman kitang patawarin kahit ang sakit sakit na. Kahit ilang beses ko ng naririnig yung sorry mo, kahit gano katigas ang puso ko ay lumalambot bigla para sayo."

"Kahit gano ako kalakas, pagdating sayo talagang nanghihina ako. Paano ba? Kath, paano mo nagagawa to? Paano mo 'ko nakokontrol kahit pa ayoko?" Umiling siya.

"Sabihin mo, kasi gusto kong kontrolin ka para hindi mo 'ko kalimutan......."

Nanatili siyang tahimik, nakatingin sa malayo, habang nakatitig lang ako sa'kanya. Naramdaman siguro niya, kaya tinakpan niyang bigla 'yung muka niya.

"Paano ba, Daniel?"

"Ang alin?"

"Paano ba ako aamin sa'yo na parehas tayo ng nararamdaman?"

-------------------------

I want a man like Daniel here. HEHEHEHEHE. Just a quick, short one shot. Birthday ko! Wahahahahahahaha Happy Birthday To Meeee! Sorreh, eto lang kineri ko. Wapaks hahahahahahahahaha

Fragments - KathNiel One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon