#41 PARAM

6 0 0
                                    

Tuwing mamumuni ang mga duming isinaboy,
Di mapigil ang poot sa katauhan ay dumaloy.
Tao lang kaya't minsan ay namamali,
Madilim na kaisipan ang buktot na sumasapi.

Buti na lang may aral na hawak,
Kaya't napipigil ang galit na mapangwasak.
Ligalig sa diwang nais makapantay,
Sa salang niligwak ng may maruming kamay.

Hiling ng palad huwag nang mamalas,
Anyong nilimot tuluyan nang maagnas.
Mabuting danas kung katahimikan ay makamit,
Mas papayapa ang lagay sa magkasalungat na langit.

Ngayon ay luminaw na sadyang namali,
Pinagsisisihang labis ginawang pagpili.
Kung maibabalik lang ang panahong pagkadapa,
Tunay na di nalasap itong buhay na isinumpa.

XD/ 01. 13. 2018
4:28 am

Mga Tulang Walang Kwenta ( sino me sabe?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon