IKAW
Sa aming kapighatian hindi mo kami iniwan,
Kamay mo'y laging bukas at laging may pagpapalang nakalaan.
Walang paninisi, walang hatol na marumi,
Walang salitang paimbabaw bagkos paglingap na mabuti.Kahit na nasa itaas hindi mo iyon pinalagay,
Nanatili kang mababa laging abot kamay.
Walang sukling isinasamo sa bawat ginagawa,
Pagkilos ay kusa tunay na pagibig ang adhika.Inasa na sa iyo halos lahat ng paghakbang,
Hukluban na'y alalay pa rin at taga libang.
Lunod na sa utang at laksang hiya,
Subalit iyon ay inunawa at kailan may di ipinalagay na masama.Marahil dahil hindi naman maikakaila,
Ang ikatatlong uri ay nasadlak sa buhay na pariwara.
Nagpabaya o namali sa nilakarang landas,
Naligaw sa sanga-sangang daan at mga kinasamay hudas.Salamat sa pagunawa at pagtatanging lubos,
Bagama't may hindi natutuwa at mambabatikos.
Mas mabuti ang nagbibigay kaysa tumatanggap,
Isa itong gawi na tunay kong pinapangarap.Ty ats!
XD/may12 2017
7:59 pm
YOU ARE READING
Mga Tulang Walang Kwenta ( sino me sabe?)
PoetryIkaw ba? Teka binasa mo ba? Kung hindi pa basahin mo muna, kung talagang wala e di ikaw na, tataas ko pa ang kamay ko't pati paa... Follow my YT channel BUKAYISTA TV Thank you