Bawat kwento bawat istorya
May dalawa itong larawang magkaiba
Kung sino ang nagsasalaysay siya ang bida
Sa kanyang tala iyon ang totoo't walang dudaYung pagkakamali walang aako
Walang tatanggap ng salang duming idadapo
Lahat ay magsasamo malinis ang kanilang puso
At kamay nila'y walang bahid ni katiting na patak ng dugoGanyan talaga ang uri ng kaisipan
Mapagpanggap lahat pulos bait-baitan
Kakaunti lamang ang may tangan ng kahihiyan
Bilang sa daliri ang may mabuting kaloobanKaya nga dapat maging masuri
Sa pagkakatiwalaang taong may malinis na budhi
Nagkalat ang mga palalo't sa katampalasanan ay masidhi
Masuyong magmasid upang sa nilalabas na larawan ay hindi mamaliMinsan matagal nang nakasama
Halos nakatahi na sa isa ang daloy ng bituka
Nguni't itutulak pa rin sa kamunoy yaong katotong una
Lalo't laksang pakinabang ang yamang makukuhaMasakit sa kalooban ang kwentong ganito
Lalo ang pagkakaibigang inilagak ay inukit pa sa bato
Subalit nakakapanghinang loob ang katotohanang matatanto
Na ang larawang nasa harap mo'y isang lilong santo.***XD/ 06.18.2023
9;47 pm
![](https://img.wattpad.com/cover/83392125-288-k508313.jpg)
YOU ARE READING
Mga Tulang Walang Kwenta ( sino me sabe?)
PoetryIkaw ba? Teka binasa mo ba? Kung hindi pa basahin mo muna, kung talagang wala e di ikaw na, tataas ko pa ang kamay ko't pati paa... Follow my YT channel BUKAYISTA TV Thank you