Edad beinte kuwatro nang siya ay mamatay,
Namatay na sikat at naging alamat na tunay.
Ang kotse niya'y bumangga, katawan niya'y na luray.
Tumabad sa madla ang malamig niyang bangkay.
Na gulo ang mundo, na bigla ang lahat.
Kababaiha'y nangag si luha, mga umibig sa kanya ng tapat.
Maagang paglisan niya'y batid nilang hindi pa nararapat,
Tatatlong pelikulang ginawa'y sadyang alaalang hindi sasapat.
Kaya naman kahit ngayong bago na ang panahon,
Mga alaala niya'y hindi pa rin mawaglit, di maibaon.
Kabataang lalaki siya pa rin ang nililingon,
Sa mga kababaihan nama'y nanatili siyang inspirasyon.
Sino nga ba siya at bakit lubhang dinakila ng balana?
At bakit magpahanggang ngayon marami pa rin ang sa kanya'y gumagaya.
Ang masasabi ko lang itong si dean ay ibang klase ang karisma,
Kahit pinagdududahan, sa palagay ko'y wala ng susunod na katulad niya...*
Note: si google ang mas makakapagpaliwanag kung ano ang gusto kong sabihin.
89-95-2016/XD
YOU ARE READING
Mga Tulang Walang Kwenta ( sino me sabe?)
שיריםIkaw ba? Teka binasa mo ba? Kung hindi pa basahin mo muna, kung talagang wala e di ikaw na, tataas ko pa ang kamay ko't pati paa... Follow my YT channel BUKAYISTA TV Thank you