Nasa tabi lang at nakikiramdam
Walang maikibo sa ginawang nakakasuklam,
Nagkukunwaring parating nasa pusod nang pagdiriwang
Gayong ang puri'y nalasog na't nawindang.Iniiwasang mapalapit sa salamin
Sariling imahe'y suklam na mapansin,
Maraming beses na niloko yaong sarili
Ang inakalang saya sumapit sa lubhang pagsisisi.Gustuhin mang maibalik ang kalagayang payak
Nang dating panahong hindi lumbay ang pag-iyak,
Ngunit paano tatahakin ang ginuhong landas
Paniwalaan pa kaya mga salitang ibibigkas?Mabigat sa kalooban tumanggap ng pagkasawi
Lalo't ang kabalintunaan ang siyang naghahari sa budhi,
Imposible nang maka-lingon pa't makapanlinlang muli
Dahil malaon ng nalantad ang maruming pagkataong putik ang kauri.***XD/ july 22 2023
7:50 pm
أنت تقرأ
Mga Tulang Walang Kwenta ( sino me sabe?)
الشعرIkaw ba? Teka binasa mo ba? Kung hindi pa basahin mo muna, kung talagang wala e di ikaw na, tataas ko pa ang kamay ko't pati paa... Follow my YT channel BUKAYISTA TV Thank you