Paano mo ba ako gustong maalala,
Nais mo bang gunitain mga nagawa kong pagkakasala ?
Ganyan mo ba ako gustong isipin?
O itaboy sa guniguni at kalimutan lahat ng tungkol sa akin.Hanggang saan mo ako kayang dalhin,
Kaya mo ba akong hanapin dyan sa puso mo at patawarin ?
Magpipikit kaba ng konsensiya at hindi mo ipararamdam ?
Na minsan ako'y nagbigay liwanag sa buhay mong kasuklam-suklam.Magsisinungaling ka ba't muling lolokohin ang sarili,
Kaya mo bang humarap sa salamin at turan na hindi ikaw ang kadiri-diri?
Pagaaksayahan mo ba ng luha ang araw na to'?
Gayong di ko na mapapansin kung ang mga iyon ay totoo.Sayang kung hindi mo nasabi na ako nga ang tampalasan,
At ako ang dapat masisi sa dilim na iyong kinasadlakan.
Maari ka nang magdiwang at ang takot ay iwaksi,
Pero hanggang saan, hanggang kailan mo matatagalan ang pighating malaon mong ikinubli ?XD/may052017
3:10 pm
JE LEEST
Mga Tulang Walang Kwenta ( sino me sabe?)
PoëzieIkaw ba? Teka binasa mo ba? Kung hindi pa basahin mo muna, kung talagang wala e di ikaw na, tataas ko pa ang kamay ko't pati paa... Follow my YT channel BUKAYISTA TV Thank you