Mga tulang isinulat, isinusulat, at
Isusulat,
Nawa'y hindi makalikha sa damdamin mo ng sugat.
Di rin nais na gumawa ng gulat,
Sa kamalayang kapos at hindi mulat.Balak ay wala na magpahanga,
Ang tumakas sa gulo ang tanging adhika,
Gulong malaon ng bitbit ng aping diwa.
Pagsusulat ang gamit sa inaasam na paglaya.Huwag paka husgahan ang di agad maunawa,
At tatakan ng dagling galit yaong di ikinatuwa.
Pagkakaibigan ang magandang simula,
Kung lahat tayo'y bukas at handang umunawa.Sumulat ako, nagsusulat, at susulat.
Kahit maisantabi at di datnan ng usyosong bubuklat.
Sapat na sakin may isang kaluluwang magluwat,
At tanggaping tapat yaong mga katuwiran kong isiniwalat...*Nota: ang lahat ng mga tulang matutunghayan dito ay sumpang sariling gawa at saksi ang langit na hindi kinopya lang..muli kung sadyang walang kwenta..paki ko, yun ay di ko na problema..
Maraming salamat sa babasa, nagbabasa, at nakabasa.
Paki boto o kaya ay magkumento kung nais lang.972016/XedoDekano
All rights reserved.
Paki follow nyo na rin yung YT channel ko, Bukayista tv.
Ty po.
YOU ARE READING
Mga Tulang Walang Kwenta ( sino me sabe?)
PoetryIkaw ba? Teka binasa mo ba? Kung hindi pa basahin mo muna, kung talagang wala e di ikaw na, tataas ko pa ang kamay ko't pati paa... Follow my YT channel BUKAYISTA TV Thank you