Eskwela'y hindi dapat laging makwela
Upang karunungan malinaw na makitaGuro ang manguna sa paghayag ng aral
Wasto itong ilahad matuwid at banalMaitanim sa diwa leksiyong habol
Sa mga mag-aaral na isip pa'y buholHuwag namang masayang mahabang oras na nilagi
Sa paaralang maaani ang bunga ng pagpupunyagiBawat mag-aaral may abat na pangarap
At sa eskwela nila ito unang mahahanapKapag nagbunga na ang kanilang pagtitiis
Kinabukasan nila'y hindi na malilihisMagiging mabuting ehemplo sila nitong bayan
Kasama ng kanlang pamilya'y maunlad na kabuhayanKaya magsikap kayo mga estudyante huwag maging pasaway
Tuparin yaong pangarap na mag-aangat nang inyong buhayMahirap maiwan sa mabilis na pag-inog ng mundo
Kaya mahigpit na hawakan ang karunungang natamoAng natamong dunong gamitin nang malinis
Huwag ipagpalit ang puri sa karangyaang lihisAriing yamang walang sukat ang talinong nalinang
At kung maari'y ibahagi nang maraming makinabangXD/ 08.12.2019
7:26 am
![](https://img.wattpad.com/cover/83392125-288-k508313.jpg)
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Walang Kwenta ( sino me sabe?)
PoetryIkaw ba? Teka binasa mo ba? Kung hindi pa basahin mo muna, kung talagang wala e di ikaw na, tataas ko pa ang kamay ko't pati paa... Follow my YT channel BUKAYISTA TV Thank you