BALIKTANAW
Halika't pagsaluan nating balikan,
Kahit sumandali gintong alaala nasati'y nagdaan.
Tamis ng suyuang kung wariin nuo'y tila di magtatapos,
Mga yakap at halik na dala ng pagsintang taos.Kay saya sa damdamin di ba ang mga iyo'y malirip?
Mga sandali ng ligayang animo'y isang panaginip.
Mga himig ng pagibig at matatamis na salita,
Mga pangako ng pusong naging nakakatakot na sumpa.Anupa't ang ulap ng tuwa'y nahawi at nagdilim,
Sumunod ay pag-ulan na lumunod sa damdamin.
Nagpakatatag nilabanan ang pait ng pagkabigo,
Wasak man ang puso pilit na tumayo at di sumuko.Sadya nga kayang malupit ang kapalaran?
Kapag ika'y nilaro pagtangis ay di maiiwasan.
Ang ganitong pagsubok ay nilaan lang sa may tibay,
Hindi sa mahihina't walang lakas na tunay.Sa pagtapos ng unos muling sisikat ang araw,
Huwag hayaang nakatusok sa puso ang huwad na balaraw.
May pagasang nilaan ang dakilang ama,
Sa mga matiising anak at di sumusuway sa kanya.Minsan kahit ang masaklap na dumaan may saysay pa rin isipin,
Dahil may aral na mapupulot sa naranasang malagim.
Ipagpasalamat mandin ang lakas na hindi nilaos,
Nang mga unos na dumaluhong sa buhay na di natapos.Totoong ang may lakas lang ang natitira,
Sa laban ng buhay na puno ng dusa.
Mapalad ang tumayo sa gitna ng mga pagkakadapa at umusad,
Sumisikat ang araw ng pag asa sa mga taong buti ang sa puso'y namumungad.XD/ april 19 2017
11:03 pm
![](https://img.wattpad.com/cover/83392125-288-k508313.jpg)
YOU ARE READING
Mga Tulang Walang Kwenta ( sino me sabe?)
PoetryIkaw ba? Teka binasa mo ba? Kung hindi pa basahin mo muna, kung talagang wala e di ikaw na, tataas ko pa ang kamay ko't pati paa... Follow my YT channel BUKAYISTA TV Thank you