Na udyukan lubha at hindi na nagisip
Tangang patalim sa kaalit mabilis na iniunday
Gawa nga kaya ng espiritong tinunga
Tumapang ang loob umutang ng buhayAnupat kay bilis ng kaganapan
Masayang pagtitipon napaltan ng gulo
Dahil lang sa walang kwentang satsat
Sarili ay itinulak sa pagkakakamaling totooSamahang matikas at wala raw iwanan
Ngayon nagiisang tangi sa hawlang madilim
Pagsisisihan mang labis nagawang sala
Bubunuing kuwarentang taon nakatatak sa panimdimMay laan pa bang liwanag o araw na sasapit
Kung sakaling maabot takdang panahong gawad
Naka-abang pa ring ba ang banta ng pagganti
Pagkatapos isulit ang pagkakasalang di tiyak ang patawadKung hindi sana naging masyadong mapusok
Kung ang mga bisyo'y iniwasang manaig
Marahil baka sakaling may nabuong iba namang kuwento
Kapiling ang mga minamahal sa malaya't payapang daigdigXD/ 04.18.2019
7:31 pm
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Walang Kwenta ( sino me sabe?)
PoetryIkaw ba? Teka binasa mo ba? Kung hindi pa basahin mo muna, kung talagang wala e di ikaw na, tataas ko pa ang kamay ko't pati paa... Follow my YT channel BUKAYISTA TV Thank you