#4 ARAP AS ATUP

12 0 0
                                    

Nang una kang makilala akala ko ikaw ay tunay,
Akala ko nasa kamay mo ang kaligayahang asam ng aking buhay.
At hindi nagtagal lumabas na ang baho mong taglay,
Ikaw pala'y pagkalandi-landi, puta pala ang iyong kulay.

Pera ko lang pala ang habol mo at walang habas mo iyong nilustay,
Wala kang itinira kahit pati barya'y iyong idinamay.
Huli na nang mamulat ako at maunawa ang sambit ng mahal kong nanay,
Na ika'y malagim na balatkayo at nakatago lang ang matutulis mong sungay.

Pinagsisisihan kong lubha kung bakit sayo ko pa naibigay,
Ang wagas kong pagsuyo, at ngayon sa isang tulad mo sumablay.
Ang paglisan mo'y maari kong damdamin at ikalumbay,
Pero pasa-saan ba, magiging langit din ang sayo'y mapawalay.

Hindi naman bulag ang nasa kaitaasang naka-tunghay,
Sa ginawa mong kasalanang hindi ikinahiyang isinsay.
Hindi na maglalaon parusang gawad sa iyo'y tiyak ng lalatay,
Mararamdaman mo rin ang sakit at pamimighating walang kapantay...*

9716/XD

Mga Tulang Walang Kwenta ( sino me sabe?)Where stories live. Discover now