#1 TEKNOLOHIYA

40 1 0
                                    


Tao sa panahong ito ay masyado nang narahuyo,

Gawa ng teknolohiyang kung saan-saan tayo ibinuyo.

Maaring umangat ang antas ng kaisipan nang mga tao,

Subalit ang diwa ng pag-ibig nalimutan na yatang totoo.

Mata ay itinuon na sa kislap ng layaw,

Paa ay hindi na inilalakad sa buti, sa mali'y isinayaw.

Lumalabas sa bibig mga salitang mas nakakapaso pa sa araw,

Puso't isipan karumhan lagi ang dumadalaw.

Teknolohiya'y malaki ang inambag sa tinakbo ng mundo,

Umunlad ang bawat bansa, tumulong ito sa pag-asenso.

Subalit may mga buhong na ito'y lubhang inabuso,

Sa masama ito ginamit, ikinalat at na merwisyo.

Teknolohiya ano nga ba ang dala?

Ito ba'y lunas sa sakit ng kawalang pag-asa?

O' sa sansinukob ito ang mag-gagawad ng parusa,

Dahil sa pagtalikod ng tao sa banal na dikta..*

9416/XD

Vote or comment.

Mga Tulang Walang Kwenta ( sino me sabe?)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin