#13 MR DJ

9 0 0
                                    

Lagi akong nakaabang sa radio program mo,
Sa ganda ng boses mo ako'y narahuyo.
Kahit pa magkanda puyat ok lang sa akin,
Mapakinggan ko lang tinig mong pagkalambing lambing.

Tinetext kita para magpapansin,
Love quotes kong alay dasal ko'y iyong basahin.
Mga song request ko sayo lang inaalay,
Mr dj ang mahal ng aking buhay.

Mahiwaga kang tinig na walang mukha,
Ako'y napag-isip dala ba ng damdamin ay tama?
Mali nga yatang sa isang tinig lang ako kumapit,
At papaniwalain ang sarili kong ika'y hulog ng langit.

Anupa't sa internet kaanyuan mo'y hinanap,
Subali't ako'y bigong larawan mo'y maapuhap.
Sinadya mo nga yatang karakas mo'y ikubli,
Upang yaong tagahangay di maumay at mag-atubili.

Naalala ko tuloy ang isang kanta ng tvj,
Na may tinatagong hiwaga daw yaong mga radio dj.
Na masya-shock daw sa sandaling sila'y makita,
Dahil ang face ay lubhang talo at nakakasuka.

Magkagayon man e tuloy pa rin ako,
Susubaybayan ko araw-araw ang radio program mo.
Di ko na lang bibitiwan ang binuong detalye sa isip ko,
Na ikaw MR DJ ay sadyang idolong napaka guwapo...*


92416/XD

Mga Tulang Walang Kwenta ( sino me sabe?)Where stories live. Discover now