# 57 GABAY

5 0 0
                                    

Siya'y ang ilaw sa gitna ng karimlan,
Isang muog, matibay na kanlungan.

Sa gitna ng daluyong, bisig niya'y matibay na harang,
Tuwing may bagyong sasapit, hinaharap iyon ng buong tapang.

Kalungkutang dumadalaw agad niyang pinapawi,
Bawat luhang pumapatak masuyong hinahawi.

Kasiyahan ay pinadadaloy na tulad ng isang batis,
Biyaya'y ibinibigay malaya at sakdal linis.

Oras ay ginto sa piling niya'y walang sukat, Siya ang lunas sa kahit anong pasakit at sugat.

May ngiti sa labi kahit na may dinaramdam, Itinatago ang pighati sa katuwaang hiram.

Dahil siya'y gabay na dapat ay laging matatag, Sa pagsapit ng matinding pagsubok di basta natitinag.

Nasa kanya ang susi sa daan ng pagtatagumpay,
Mithiin at tanging pangarap maging huwarang tunay.


XD/ 11.24.2018
5:05 am

Mga Tulang Walang Kwenta ( sino me sabe?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon