Kapag ang anghel ay dumalaw,
At may ibulong tungkol sa takdang araw.
Handa ka na ba tumayong mag-isa,
At harapin ang mundong tiyak na kakaiba?Igagalaw mo ang katawan,
Itataban mo ang kamay sa karumihan.
Maglalabas ka ng tubig at mahahapo,
Tututol ang isipan, subalit walang tulong na dadapo.Bibilang na ng sandali ang pagtikom ng mata,
Kung dika kikilos, walang magkukusang magpatirapa.
Ikaw lang ang sasagwan sa bangkang gamit,
Patungo sa dakong walang ngusong magsusungit.Kaya humiling ka ng himala,
Sa langit dumalangin ka ng lubha.
Na ang anghel ay mabalam sa paglipad,
Nang makapaghanda muna bago mabilad.XD/ 12.01. 2018
5:39 am
CITEȘTI
Mga Tulang Walang Kwenta ( sino me sabe?)
PoezieIkaw ba? Teka binasa mo ba? Kung hindi pa basahin mo muna, kung talagang wala e di ikaw na, tataas ko pa ang kamay ko't pati paa... Follow my YT channel BUKAYISTA TV Thank you