Nanginain siya't uminom sa mesa ng iba
Sa mga nakaw na sandali naglunoy at nagpakasaya
Masamang kakahantungan sa maruming gina-gawi
Hindi ina-alintana walang pakialam sa kahit anong sukliNais pang kulayan nang hinhin at kabanalan
Bago mag-laro'y sumasaglit pa sa dambana ng simbahan
Tila umuuna nang maghugas ng puri
Walang kahihiyan walang paggalang ni katiting sa sariliAkala'y hindi sisingaw ang kabulukang itinatago
Buong akala ri'y malinis na mailalagpas nakakadiring pang-gogoyo
Di yata't ang dakilang patutot ay kinulang sa unawa
Dahil kusang lumalantad ang lihim nang taong napakasamaAt sumapit na ang pagtutuos hayagan ng na batid
Kanyang pagpuputa'y nagsala-salabat na kwento ang hinatid
Datapuwa't sa sala'y mariin pa rin ang pagtanggi
Wala raw itong ginagawang mali't Diyos ang kanyang saksiNoon pa man may inuna nang babala
Ganitong uri ng babae'y iwasan na't laktawan ng tiwala
Dahil ang pumisang kasama sya ay walang mabuting maidudulot
Ipapasok ka lang nito sa buhay na lubhang masalimuot.XD/ 06.25.2023
1:40 am
YOU ARE READING
Mga Tulang Walang Kwenta ( sino me sabe?)
PoetryIkaw ba? Teka binasa mo ba? Kung hindi pa basahin mo muna, kung talagang wala e di ikaw na, tataas ko pa ang kamay ko't pati paa... Follow my YT channel BUKAYISTA TV Thank you