#17 APELA

13 0 0
                                    

Apela

Tila yata ang oras ko'y malapit ng mag alas sais,
May ilang nakakabagabag na pahiwatig na sadyang kay bilis.
Natatakot ako hindi sa aking pansarili,
Ikalulungkot ko ang maiiwan kong binibini.

Di nga kasi'y siya sadyang bubot pa,
Wala pa ang diwa at wisyo sa mundo upang mapag isa.
Ang malupit na palad alam kong di pa niya matatalos,
Paglingap na inilibot sa kanya'y mayroon pa kayang handang maglimos.

Kaya sa itaas ako'y umaamot ng hiling,
Hayaan pa nawang makatawid sa dilim.
At minsan pang masilayan ang bukang liwayway,
Huwag na muna akong tawagin upang mahimlay.

Bigyan pa ako ng ilang sandali upang ang mahal ko ay papagyamanin,
Mailinya siya sa tuwid na landas at paglinawin ang paningin.
Upang sa aking paglisan siya'y maging matibay na muog,
Na hindi basta basta igugupo sa maling sayaw at tugtog.

Ngunit sino ako upang tumutol,
Kung sadyang nais na niyang pagiral ko'y maputol.
Marahil sa lahat ay tunay siya, pantay sa pagtingin at paghusga,
Kaya't mapapagbigyan niya ang resonable kong hiling at apela.

Hindi naman pagmamalabis kung sa kanya'y idiga.
Karamdamang bitbit bawasan ng konti, yung kaya ko lang makarga.
Bigyan pa ng dahilan ang mga panahong ipinahawak,
Hindi para sa akin kundi sa minamahal kong anak.

XD/04 23 2017
4:19 am

Mga Tulang Walang Kwenta ( sino me sabe?)Onde histórias criam vida. Descubra agora