#27 ANG MAG-INA

14 0 0
                                    

Ang mag-ina

ANAK : "Inay ako'y sawa na sa labis nating kahirapan,
Nais ko nama'y makatikim sa buhay ng kaligayahan.
Payagan nyo na akong maka-punta at magtrabaho sa Japan,
Nang magkamal ako ng salapi't agad tayong yumaman!".

INA: " Anak ika'y bata pa ang gulang mo lang ay labing Lima,
Wala ka pang muwang baka magsisi ka.
Ang dapat mong kalagyan ay doon sa iskwela,
Mag-aral ka ng mabuti upang bukas mo'y gumanda".

ANAK : " Huwag nyo nang tutulan pa Inay ako'y pabayaan,
Hindi lang naman para sa akin ito, pati sa inyo man.
Ayoko ng mag-aral wala naman itong kabuluhan,
Mas maige raw mag-Japan, kaya sige na Inay ako'y pagbigyan!".

INA: " Mahal kita anak, ako ang iyong pakinggan,
Hindi ako makapapayag nabulid ka sa putikan.
Huwag mo nang ipilit yao'y para sa ating kapakanan,
Ayokong yumaman kung ito'y iyong pagpuputahan".
"Magpasalamat ka na sa kalagayan nating ito,
Nakakapag-aral ka't nakakakain din naman sa oras at wasto.
Bagamat dampa lang ang ating bahay at hindi bato,
Subalit payapa naman ang buhay natin dito.
"Anak gumising ka imulat mo ang iyong mata,
Hindi lamang karangyaan ang nagdudulot sa tao ng ligaya.
Manalig ka sa ating Diyos sa kanya'y nagtiwala,
Dahil nasa kanyang mga kamay ang lahat ng pagpapala".

ANAK: " Patawad Inay ko, tunay ko nang naunawaan,
Ang mga winika mong ito kailan ma'y hindi ko malilimutan.
Ano nga ba ang halaga ng yaman kung galing sa kasalanan?
Aanhin ko yun kung ako'y inyong  pandidirihan!".
"Mula ngayon Inay tuluyan na akong magbabago,
Hindi na ako maiinggit at magpapadala sa sitsit ng ibang tao.
Magsusumikap ako sa pag-aaral, magsisikhay ng husto,
Magiging masunuring anak, Inay pangako ko ito sa inyo!".

INA: " Salamat anak, labis mo akong pinasaya,
Ganyang damdamin ang malaon ko ng panalangin sa iyo'y aking madama.
Lagi akong tatayo sa gitna ng mga hirap mo at pagdurusa,
Sa iyong ikaliligaya iaalay ko maging ang aking utang na hininga".*

"Papuri sa mga taong namumuhay ng tuwid at tama, sa kabila ng kahirapang taglay ay hindi sumagi sa isip kailan man ang paggawa ng masama".

Sept221990
XD/August082017
11:06 pm

Vote or comment.

Mga Tulang Walang Kwenta ( sino me sabe?)Where stories live. Discover now