#34 SALAMAT

10 0 0
                                    

SALAMAT

Salamat sa araw sa kanyang init na alay,
Salamat sa hangin sa kaginhawahan niyang binibigay.
Salamat sa puno sa lilim niyang handog,
At sa mga matatamis nitong bunga na biyayang bubusog.

Salamat sa buwan na tanglaw sa karimlan,
At sa maririkit na bituwin at talang kay gandang pagmasdan.
Salamat sa ulan na taga pukaw ng uhaw ng mundo,
Taga pagdilig sa halaman at sa lahat ng may buhay na totoo.

Salamat sa haing pagkain mula sa dagat at lupa,
At sa kalawakan ng langit na saksi ng walang katapusang biyaya.
Salamat sa mga nilalang na naging ugat ng kabutihan,
Na suma-salamin sa layon nang dakilang Diyos na makapangyarihan.

Salamat sa buhay na pinagkaloob at pinagyaman,
Salamat sa batas na sadyang makatarungan.
Salamat at papuri sa mabuting Diyos na manlilikha,
Salamat sa pagibig niya na hindi nagmaliw mula pa noong simula.

Salamat sa pagasa at kapayapaan,
Na naghihintay sa mga kaluluwang sa tama ay hindi lumisan.
Salamat sa katuwiran at tunay na layon nang ating Diyos ama,
Na ang lahat ay maligtas at sa langit niya'y makasama.

XD/ 10 26 2017
11:59 am

Mga Tulang Walang Kwenta ( sino me sabe?)Where stories live. Discover now